Quiescence

September 12, 2005

first day at work

Filed under: Trabaho

Uy may trabaho nako! Hindi ko akalaing magkaka-work ako after more than 5 months of unemployment. Gulat din ako at ang bilis ng feedback dun sa inaplayan ko. Bale, nag-apply ako nun sa RPN 9 originally as a news writer, tapos sabi ng boss ilalagay na lang daw nya ako sa isang desk job. Nakakaloka dahil after4 days tumawag sakin para sabihing tanggap nako! Eto nga’t pumasok na ako kanina. Shift ko is from 6AM to 2PM, pero pinapasok ako ng 7AM. Dapat din sa Wednesday pa ang umpisa ko talaga pero pinapasok ako ngayon to teach me the ropes on the job.

Unang sabak ko pa lang, nawi-windang na ako! Unang-una, journalism ang background ko, so basically print media ang training ko. Na-culture shock lang ako kasi hindi ko alam ang mga jargons ng broadcast media, not to mention yung mga nagfi-feeling mga primadonnas na news reporters. Yung isang assistant dun na nagtuturo sakin ay mabait naman. Talagang ine-eksplika nya ang lahat ng kelangan kong malaman. Minsan nga, hindi pa tumatagos sa utak ko yung sinasabi nya dahil clueless talaga ako sa broadcasting (at sobrang aga pa noon, tulog pa ang utak ko). Medyo na-overwhelm lang ako dun sa sinabi nyang hindi maiiwasang magalit ang mga reporters at cameramen sa mga desk people.

Okay, ano nga ba ang trabaho naming nasa desk? Kami lang naman ang nag-aayos ng coverages at schedules ng mga reporters for deployment. Kasama na dyan ang pagche-check ng progress ng stories ng mga reporters, at minsan kami pa ang nagse-set up ng mga interviews. Ok fine, walang problema naman dyan dahil nakasanayan ko na rin yan noon. Ang problema lang kasi madalas nag-a-absent ang mga cameramen at driver kaya minsan nagku-kulang ng mga pwedeng mag-shoot kaya kelangan ayusin ang team (which is composed of a reporter, cameraman and a driver). Ang kinakainisan ko lang ay yung fact na halos lahat gawin mo para dun sa mga reporters. Eh nung ako naging reporter, lahat kargo ko, wala akong binabato sa mga editorial assistants. Yun kasi yung training ko. Eh itong mga reporters dito, lahat spoonfed. Well, hindi naman lahat pero most of the time ito ang nangyayari. Nakaka-culture shock lang kasi parang may pagka-iresponsable ang mga tao.

The funny thing is, magiging assistant ako nung classmate ko sa school kasi she serves as the news director. Baka pag mag-temper tantrum yun maapektuhan ang friendship namin (eh minsan pikunin ako at masyadong seryoso).

Kanina nga iniisip ko kung bibitiwan ko na ito kasi gusto ko na talagang matapos lahat ng subjects ko this year. Eh naisip ko naman na wala na akong mukhang ihaharap sa magulang ko kung parating urong-sulong na lang ako. Sabi naman ng nanay ko mas mabuti kung mag-full time student nako para matapos na. Agree naman ako dun, kaso yun nga…nahihiya naman din ako sa classmate ko kasi sya yung nag-refer sakin. Pati na rin sa tatay ko kasi natuwa pa sya nung nalaman nyang may work ako.

Hay…decisions, decisions. Parang nasanay na kasi ako sa wala masyadong ginagawa kaya umaandar na naman ang katamaran ko…

musika: Utada Hikaru - Be My Last
pakiramdam: nalilito






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here