Quiescence

October 3, 2005

ang pagbabalik ni shaidaaah!

Filed under: Rebyus

shaider
Habang nagcha-channel surfing ako kahapon, napunta ako sa test broadcast ng Hero TV, yung sinasabi nilang local version ng Animax na ang palabas ay puro Tagalized na anime. Hindi ko inaasahang ipapalabas nila uli ang Shaider. Ganun na lang ang tuwa ko nang makita ko uli si bakat boy Alexis at kita panty Annie.

Ang masaya pa dito, hindi nila pinalitan ang mga dubbers ng characters. Kung ano ang naaalala kong boses nila Ida at Lay-Ar, yun na yun pa rin. Grabeng nostalgia tripping talaga! Hindi ko aakalain na alalang-alala ko pa rin ito simula nung una ko itong mapanood nung grade school. Grade school pa, pakshet yan ang tagal na!

Pero muntik na akong malaglag sa upuan ko nun nung sumigaw si Shaider ng “Vaviluuuus!!!!” Bwahahahahahaha!! Eh diba VaviLOS yung space ship nila??? Mukhang nahahalatang Bisaya ang dubber ni Shaider ha. Syempre, makalaglag-upuan talaga ang jingle ng bayan. Still remember da Shigi-shigi anthem??? NYAHAHAHAHAHAHA!!! Grabeng laugh trip ever!

Syempre umiral na naman ang pagiging topak ko diba? Pano napansin ko na mahilig ang mga tokusatsu heroes natin na mag-posing sa ibabaw ng bundok at sa matataas na lugar. Hindi ba sila nalulula? Eh dun pa naman sa end credits ng Shaider, nakatayo sya sa pinakatuktok ng bundok, as in pag tutungtungan mo baka mabali pa yung pinaka-peak. Nakakatakot!

Di ko pa alam kung kelan yung mismong formal broadcast ng Hero TV, pero aabangan ko itong Shaider! Syempre, kahit ako curious kung puti o yellow ba talaga ang panty ni Annie. Mwahahahaha!

Pahabol: HAPPY BIRTHDAY kay Meian, ang aking fellow Octoberian. ^_^

musika: Akira Kushida - Space Sheriff Shaider
pakiramdam: bugbog-sarado

August 27, 2005

kape + encantadia = bangag

Filed under: Rebyus

Pansin ko lang lately na parang parati ako nagke-crave ng kape. At hindi lang yung basta-bastang kape ha. Ang trip ko pa yung brewed pa talaga…kung pu-pwede pa nga yung Figaro, Dunkin Donuts o yung Starbucks brewed coffee. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Kung marunong lang akong gamitin yung coffee maker sa bahay, hindi na ako mangangarap pang bumili ng mamahaling kape.

Grabe, minsan natatakot na rin ako sa fixation ko sa kape. Kasi naman minsan feeling ko nagpa-palpitate nako. Yung tipong parang may nakadagan na mabigat na bato sa dibdib mo. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga matanggal ang bisyong ito.

———————

Anyway, kainis na naman ang Encantadia. Nako-kornihan na ako sa role ni Jennylyn Mercado (Lira). Pag pinapanood ko yung “pakikipaglaban” chenelyn nya, natatawa na lang ako. Napaka-awkward talaga. Tapos natalo pa nya si Kahlil. Eh obvious naman na mas magaling umarte sa fight scenes yung fafa Kahlil na yun. Speaking of which, ako lang ba ang nakakapansin na Kahlil = Karylle?

Dahil na rin sa may nag-comment kung bakit daw sa tingin ko inconsistent/bano ang story line ng Encantadia, eto ang mga dahilan:

1. Sa tingin ko extra lang talaga yung mga scenes sa mundo ng mga tao para hindi mamatay yung character ni Mark Herras. Speaking of which, napaka-sagwa ng pag-arte ni Mark…parang napaka-bland ng expressions nya. Pag umaarte sya na galit, parang neutral pa rin ang face nya. Nakakatawa! Ewan ko ba kung pano naging survivor ito ng Starstruck.

2. Ginagawang filler yung character ni Cindy Kurleto (Cassiopeia) para sa mga bagay na hindi na-explain ng story dahil na rin sa pagkaka-organize ng sequence. Kumbaga, si Cassiopeia na ang bahalang pumuno sa mga gaps nito.

3. Hindi ko alam kung paano naging “bihasa” sa espada si Lira eh kung titignan maigi, parang hindi pa sya gaanong naturuan ng nanay nya. Gaya na rin ng sinabi ko, napaka-awkward ang pag-arte nya ng mga fight scenes.

4. Nakakatawa yung bigla na lang pinulot ni Ashti Danaya yung “gayak pandigma” ni Lira. Bwahahahaha! Parang lumitaw na lang sa lupa yung armor na ginamit ni Lira.

5. Nung sa episode na “napatay” ni Hagorn si Lira at nung nasa “limbo” sya para kalabanin yung dragon, napaka-superficial naman kung bigla na lang nya matatalo ang isang higanteng dragon just by singing! Anak ng pateng…ganun lang ba kadali yun? Eh di dapat kinantahan na lang pala nila Frodo at Sam si Sauron para nalaglag na lang yung mata nun sa tore nito. XD

6. Dahil binuhay uli si Hitano, ayan…naisantabi na naman sya. Para saan pang binuhay nila ang isang character kung isasantabi lang nila ito? What’s the purpose?

7. Nasaan na ngayon si Muyak? Na-stuck na lang ba sya forever sa mundo ng mga tao? Parang bigla na lang naglaho ang character nya.

Tama rin pala ang hinala ko na tatay ni Pirena si Hagorn. Ewan ko kung napansin nyo yan last episode. Inis din ako sa character ni Asval kasi he reminds me of some asshole sa cosplay community. Mwehehehehe.

musika: Hironobu Kageyama - Ai no Sorujaa
pakiramdam: lunod sa kape






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here