Feeling ko ang sama sama ko na antaray-taray ko.
Paano ba naman dun sa isang class ko…we have this project to do a content analysis of newspapers. Aside from doing our own analysis of our assigned papers, we have to meet as a class to discuss our findings prior to consolidating our papers para maipasa as one document. Ang kasunduan, magmi-meet kami ng September 24.
So ano ba ang ibig sabihin ng usapang ganun? Diba dapat pagdating ng date na yun ay tapos na kami at naka-type na yung mga findings namin? Grabeng puyat pa ang ginawa ko para lang matapos ko yung part ko. Hindi pa ako lumabas ng isang linggo para lang tutukan yan.
So nung dumating ang Sabado, aba…iilan lang ang nagpunta! Yung iba, wala man lang pasabi kung buhay pa ba sila o papasok ba sila. So yung mga dumating lang (meaning ako at ilan sa mga classmates ko) ang nag-discuss. Medyo pahirapan pa nga kung sino ang magco-consolidate ng paper kasi lahat kami maraming ginagawa. Eh since grade conscious concerned ako sa paper na ito, ako na ang nag-presentang magco-consolidate. Eh nainis ako nung araw na yun dahil wala talagang paramdam yung mga hindi pumasok. Ang una ko pa ngang sinabi na yung mga present lang ang isasama ko sa consolidated paper. Pero naawa din naman ako at binigyan ko ng pagkakataon na makasama yung mga hinayupak na hindi sumipot: basta deadline ng summary of findings nila ay Sunday (which is today) at 12 midnight tapos Thursday na yung mismong buong paper nila. So ibig sabihin nito, ako ang magpi-print ng mga papers nila.
Eh yung isang kaklase ko sabi Monday pa raw nya mai-email ang summary nya at wala daw CD-ROM yung internet shop sa Bulacan. Sa inis ko, nag-text ako sa kanya at tinanong kung bakit kasi hindi sila sumipot sa usapan? Ayan, sabi nya babalik daw sya ng QC para ma-email nya sakin.
Medyo naawa naman ako sa tao, kahit paano. Pero nakakainis talaga yung mga classmates ko sa klaseng ito. Parang wala silang pakialam sa project na ito. Lahat naman kami maraming ginagawa, marami din sa amin ay marami pang inaasikasong ibang bagay tapos kung maka-dahilan sila akala nila pasan nila ang mundo. Yung isa nga sa amin full time student pero nakapag-pasa sya on time. Alam mo yun??? Ano ba naman yung mag-exert sila ng konting effort? Nakaka-bwisit!!!
Masyado ba akong nagsu-sungit o nasa katwiran ba ako?
musika: random James Bond songs
pakiramdam: naiinis