Quiescence

December 20, 2005

the affair is over

Filed under: Atin-atin Lang, Cosplay

Waaah! Ozine hangover pa rin hanggang ngayon. Di ko akalaing mejo bangag pa rin ako after that overnight session we had dun sa bahay ng isa kong friend after the event. Ang masaklap pa dito ay wala akong boses. Bwiset kasi itong sipon na ito, tapos sumigaw-sigaw pa ako nung Ozine kaya mejo namamaos ako…hindi ko tuloy makanta yung karaoke versions ng Colors at Dareka ni Hikki na binigay sakin ng friend ko, pakershet!!! T_T

Hindi ako nag-cosplay sa event na yun. Actually, dapat pero naisip kong wag muna. Mejo nagagasgasan na kasi ako sa pagco-cosplay ng Tsunade kaya naisipan ko na lang na maging photographer-spectator nung araw na yun. Ayos lang. Naki-jamming na lang ako sa mga ka-berks ko sa Naruto. As usual, andami pa ring cosplayers ng Naruto. Minsan nakakasawa na, pero wala tayong magagawa kung super popular ng palabas na ito.

Anyway, nais ko lang sabihin na hindi ko na crush si Maskman. Turn-off nako. Actually nung Ozine binibiro pa ako ng mga friends nya..parang pilit nila akong hinuhuli. Natatakot nga ako kasi pag tinuturo nila si Maskman, titingin lang ako sandali tapos dededmahin ko na. Takot ako kasi baka sa pangde-dedma ko na yun eh baka isipin nila na may gusto nga ako sa kanya. So I tried staying away from them as much as I could. Wahahaha. Lech, hindi nga nag-Maskman cosplay si Maskman. Sa sobrang busy ko kaka-jamming sa ibang Naruto peeps, hindi ko nakita catwalk nya! So hanggang ngayon di ko pa rin nakikita ang kabuuan ng peys nya. Agh!

Anyway, bakit nga ba ako na-turn off? Sloppy manners, that’s what. After nung event kasi mag-o-overnight kami sa bahay ng friend namin at kasama sila ng friend nya. Tumambay muna kami sa foodcourt para kumain bago umuwi. Tapos bumili sila ng lugaw sa Goto King at imbis na spoon ang gamitin nila eh straw ang pinang-kain nila. Tapos ang ingay-ingay pa nila. Augh. Siguro dahil mejo pagod nako at masakit pa ang ulo at lalamunan ko kaya lalo akong nainis. Hahaha. Ang babaw diba? So yun. Bahala sila kahit tuksuhin pa nila ako…wala na akong pake dahil hindi ko na sya type!

Para sa mga pix pala sa Ozine, andito lahat sa Photobucket na ito. Tinatamad na kasi akong i-post pa sya ng isa-isa. Hehehe.

musika: Little by little - Kanashimi Wo Yasashisa Ni
pakiramdam: give up na

December 4, 2005

haha…badshot ako!

Filed under: Atin-atin Lang

Ewan ko ba kung dahilan lang sa menopausal stage at nag-i-inarte ang nanay ko. Ngayon lang eh rumaratsada na naman sa sermon ako, por que hindi lang ako nakapag-simba. Ganun ka-big deal sa mga magulang ko ang maka-miss ng isang Sunday na hindi nagsimba. Hindi na lang ako umimik para hindi humaba ang usapan. Pero ang ayoko lang talaga pag tahimik lang ako eh iisipin nila na tama sila at mali ako.

Ang sa akin lang, hindi ko na kailangan ipaalam sila ang religious practices ko. Para sa mga hindi nakakaalam, madalas naman ako magdasal. Kumbaga, relasyon na namin ni Lord yun at hindi ko kelangan i-report sa magulang ko kung nagdadasal ba ako o hinde.

Tapos eto na naman sila na nagrereklamo sa mga kaibigan ko sa anime/cosplay community. Kahapon kasi nag-meeting kami sa FilCosplay yung tungkol sa Xmas party namin. Sabi ng nanay ko nag-aaksaya lang ako ng panahon, at kung ano pang ka-chenesan. Hay naku…lahat na lang kasi ng gawin ko pinupuna nila. Anong gusto nila magpaka-taong bahay na lang ako forever? Minsan, pinipilit ko silang intindihin. Pinipilit kong iniintindi na iniisip nila ang ikagaganda ng buhay ko. Pero pakshet naman…ang tanda ko na para naman busalan pa nila ang mga activities ko. Mabuti nga ipinagpaalam ko ang totoo eh. Kung ako lang pwede akong magsinungaling kung saan ako pumunta nun. Pero pinili kong sabihin ang totoo dahil ayoko rin naman yung nililinlang ko sila. Gusto ko namang maging honest sa kanila eh, pero minsan iniisip ko kung ako ba naiiintindihan nila.

Iniisip ko talaga na kapag ako ang nagka-anak, hindi ko sya titikisin ng ganito. Well, at some point naiiintindihan ko naman ang magulang ko, pero minsan talaga hindi na ma-arok ng pag-iisip ko yang mga pinag-gagawa nila. Parang they’re always thinking the worst of me, sa lahat sa aming magkakapatid. Ako naman may conscious effort na maging mabuting anak sa kanila, sila naman itong parati na lang akong iniisipan ng masama. Parang balik na naman ako dun sa mga panahon na galit ako sa kanila.

Bakit nga ba ganito ang mga magulang? Will parents and their kids ever see each other eye to eye?

musika: Chemistry - for…
pakiramdam: buraot

November 3, 2005

this is not the year for love

Filed under: Atin-atin Lang

Wow, tagal ko na palang walang paramdam dito. Wala lang akong matinong mai-blog, not to mention na taong bahay lang ako at wala masyadong ginagawa except re-read my Eddings books at makinig sa component na nahita ko kay itay. Hahahaha. Hindi ko aakalaing kakagatin ng tatay ko yung mga pa-epek ko. Nakonsyensya nga ako, pero andyan na yan. Parang disco house tuloy ang kwarto ko. Masarap talaga magpatugtog ng maganda ang sound system. Hehehee.

Anyway, ay nako. Ewan ko kung napapansin ninyo, pero hindi magandang taon ito para sa pag-ibig *gag*. Andami kong nababalitaan na mga kaibigan na nakikipag-break sa mga jowa nila. Hindi naman ito yung tipong fling fling lang. Ito yung tipong relationships na taon ang binibilang at hindi basta-basta lang. One friend of mine actually proposed to his girl of 7 years, only to be dumped for another nung nagpunta ng Korea si babae. Tapos itong isa ko pang fwend na puro sob story lang ang alam ko na nagka-jowa na (yey sa wakas…happy talaga ako para sa kanya)…ayan after more than a year, parang makikipag-kalas na rin sya sa bf nyang mama’s boy.

What is the world coming to?

Pero aaminin ko noong galit pa ako sa mundo, nag-wish ako nun na sana walang taong dapat maging masaya sa lab layf nila dahil naiinis ako at sila masaya, ako hindi. Hmm…hindi naman ako mangkukulam at ayoko ring isipin na nagkatotoo ang mga sinabi ko noon. Syempre, ayoko namang maging miserable ang mga kaibigan ko, lalo na dun sa mga deserving talaga na maging masaya.

Sabi ko nga, parang hindi na pinahahalagahan ng tao ang mga relationships nila. Porke’t alam nilang maraming isda sa dagat, pinapabayaan naman nila yung mga taong kasama nila. Ganun na lang ba ka-insignificant ang mga panahon na pinagsamahan nila? Andami kong mga kaibigan na nagpapakasal dahil naka-jackpot sila nang di inaasahan…ni hindi man lang nila ganun kakilala yung taong pinakasalan nila. Ano ba yan?

Nakakalungkot isipin na ito ang nangyayari sa mundo ngayon. Kahit ako, parang ayoko na rin magtiwala.

————

I don’t bilibit!!!! Naka-1.0 ako sa isang class ko! Wahoooo!!!! *dances with glee* Nakakatawang tignan ang online grades ko. Naglalaro lang sa 1.0 at 1.50 ang mga grades ko. Ayos lang, basta may uno, masaya nako! Awooooo!!!!

Medyo nakaka-gulat nga dahil itong uno na ito galing dun sa professor kong kamukha ni Kuya Bodjie na may pagka-weirdo. Balita ko yung isang classmate ko INC ang lumabas sa grades nya kasi sinasabi ni Kuya Bodjie prof na hindi daw nya pinasa yung 2 term papers. Eh anlabo dahil yung isa group paper. Eh kung ganun dapat lahat ng groupmates nya INC din pero ang lumalabas, sya lang ang nakakuha ng ganun. Anlabo!!!

musika: Chemistry - Shiro no Toiki
pakiramdam: blanko

September 18, 2005

mark that spot

Filed under: Atin-atin Lang

What is it with men with the name Mark? Sa totoo lang, andami ko nang kilalang taong yan ang pangalan. They’re too many, if you ask me. Paano pag meron kang dapat kalimutan pero halos araw-araw mo nang naaalala dahil andaming nagpapa-alala?

Tulad na lang nung Skin White (lotion) commercial. Pangalan ng gwaping na guy ay Mark. Pati yung sa Fita, Mark din. Ano bang nangyayari sa mundo? Wala na bang maisip na pangalan ang mga advertisers kundi yun? Parang gusto kong alugin ang TV tapos itapon sa bintana. Hanlabo talaga.

Di lang yun. Pati ako rin yata may diperensha kasi ang mga nagugustuhan ko naman eh pangalan din ay Mark. Gwaaaah! At tipong pag may nakilala kang isang Mark, kilala mo na sila lahat. Pano? Kadalasan sa kilala kong Mark eh either torpe, manhid o bulag. Or all of the above. Minsan hindi ko na maisip kung mafi-freak out ba ako o maiinis.

Sana naman sa generation natin eh mag-isip naman nang mas uncommon names ang mga nanay. Ok lang kahit exotic basta hindi common. Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung mga common names. Kaya pag nagka-anak ako, sorry na lang sya dahil ang makukuha nyang pangalan ay yung tipong hindi na magkakasya sa birth certificate (sa haba) at yung tipong hindi mai-i-spell ng tama. Bwheehhe.

musika: Southborder - Asa
pakiramdam: busog

August 23, 2005

nakakapanibago

Filed under: Atin-atin Lang

Nakakapanibago talaga sa bahay after spending almost a week in Cebu. Pagdating ko, parang hindi ako sanay sa itsura ng bahay—parang mas lalong makintab ang sahig at mas malinis ang paligid. Parang nahirapan akong mag-adjust uli sa maraming tao sa bahay after the time na kaming dalawa lang ng ate ko sa bahay nya. Pansin ko rin na mas lalong nagiging irritable ako sa ngakngak ng nanay ko, lalo na’t nung andun ako sa Cebu, wala akong masyadong kausap pag pumapasok sa trabaho si bru. Pati yung ayos ng channels sa cable nabuburat ako…it’s like I have to re-learn memorizing the channels in our cable dahil iba rin yung ayos ng channels sa cable ni bru. Tapos pati yung amoy ng mga damit kong nilabhan ko sa Cebu compared sa nilabhan ko dito…ibang-iba! It’s like I’ve crossed one planet to another.

Ang weird pa dito nung nasa Cebu ako, hindi ko man lang masyadong na-miss yung mga kasama ko sa Manila. Although wala akong masyadong ginawa dun kundi maglaba, magluto, manood ng TV, matulog at kumain, parang mas nami-miss ko pa ang Cebu at ang lahat ng mga ka-wirdohan ng mga Bisaya.

Nung nasa airport terminal pa nga eh naiiyak ako. Hindi pa ako tumu-tungtong ng eroplano eh naluluha na ako. Ang weird ko talaga! Corny na kung corny pero nalungkot talaga ako nun nung iwan ko na naman yung ate ko mag-isa doon. Parang mas attached pa ako sa kanya kesa sa mga magulang ko. Kung hindi lang ako nag-aaral, magta-trabaho na rin ako sa Cebu para samahan sya.

Dahil taong bahay lang din ako dun, wala akong matitinong pictures ng Cebu. Pano ba naman kasi ang bruha kong kapatid, di man lang ako inikot sa mga tourist spots dun. Ni Magellan’s Cross hindi ko nasinagan! Anlalayo kasi ng mga lugar dun…tapos OA sa trapik! Yun lang ang hindi nakaka-miss sa Cebu—ang bwiset na trapik at ang 48 lightyears na layo ng sibilisasyon.

musika: Fly to the Sky - The Promise
pakiramdam: bangag






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here