haha…badshot ako!
Ewan ko ba kung dahilan lang sa menopausal stage at nag-i-inarte ang nanay ko. Ngayon lang eh rumaratsada na naman sa sermon ako, por que hindi lang ako nakapag-simba. Ganun ka-big deal sa mga magulang ko ang maka-miss ng isang Sunday na hindi nagsimba. Hindi na lang ako umimik para hindi humaba ang usapan. Pero ang ayoko lang talaga pag tahimik lang ako eh iisipin nila na tama sila at mali ako.
Ang sa akin lang, hindi ko na kailangan ipaalam sila ang religious practices ko. Para sa mga hindi nakakaalam, madalas naman ako magdasal. Kumbaga, relasyon na namin ni Lord yun at hindi ko kelangan i-report sa magulang ko kung nagdadasal ba ako o hinde.
Tapos eto na naman sila na nagrereklamo sa mga kaibigan ko sa anime/cosplay community. Kahapon kasi nag-meeting kami sa FilCosplay yung tungkol sa Xmas party namin. Sabi ng nanay ko nag-aaksaya lang ako ng panahon, at kung ano pang ka-chenesan. Hay naku…lahat na lang kasi ng gawin ko pinupuna nila. Anong gusto nila magpaka-taong bahay na lang ako forever? Minsan, pinipilit ko silang intindihin. Pinipilit kong iniintindi na iniisip nila ang ikagaganda ng buhay ko. Pero pakshet naman…ang tanda ko na para naman busalan pa nila ang mga activities ko. Mabuti nga ipinagpaalam ko ang totoo eh. Kung ako lang pwede akong magsinungaling kung saan ako pumunta nun. Pero pinili kong sabihin ang totoo dahil ayoko rin naman yung nililinlang ko sila. Gusto ko namang maging honest sa kanila eh, pero minsan iniisip ko kung ako ba naiiintindihan nila.
Iniisip ko talaga na kapag ako ang nagka-anak, hindi ko sya titikisin ng ganito. Well, at some point naiiintindihan ko naman ang magulang ko, pero minsan talaga hindi na ma-arok ng pag-iisip ko yang mga pinag-gagawa nila. Parang they’re always thinking the worst of me, sa lahat sa aming magkakapatid. Ako naman may conscious effort na maging mabuting anak sa kanila, sila naman itong parati na lang akong iniisipan ng masama. Parang balik na naman ako dun sa mga panahon na galit ako sa kanila.
Bakit nga ba ganito ang mga magulang? Will parents and their kids ever see each other eye to eye?
musika: Chemistry - for…
pakiramdam: buraot

Another I feel for you post. Same sentiments. Ano nga pala nangyari sa meeting? >_
Comment by Aaron — December 6, 2005 @ 4:32 am
hmm..napag-usapan lang yung program, tapos yung gagawin sa 2 venues tsaka basically yung mga materials na kakailanganin tsaka prizes na kailangan para sa mga games.
Comment by Presea — December 6, 2005 @ 3:15 pm
may reply dapat ako dito kahapon pero bigla kong na-realize na late na pala ako sa klase! XD so reply ako ngayon.
hay naku…medyo bad shot din ako a few weeks ago - nung sinabi ko na gusto kong bumili ng patron tix ng BSB! XDDD yung papa ko grabe ang sermon, pero di sila galit sa akin dahil money ko naman yun. in the end, binili ko rin ang patron! bwahhaha.
tama yung sinabi mo, na mas maganda na sinasabi mo na sa kanila kasi mas badshot ka kung nililinlang mo sila. pero may times talaga na hindi nila magets ang point na yun. mwahaha. kaya mo yan.
Comment by JC — December 7, 2005 @ 12:45 am
badtrip kasi malapit na mag-menopause nanay ko. so lahat ng irritation nya naka-direct sakin. napaka-saklap ng buhay koooh! XD sobrang mega pasensya na lang. lecheng menopause kasi eh! T^T
Comment by Presea — December 7, 2005 @ 3:06 am
HOY! MAG-ONLINE KA NAMAN SA YM!
Comment by Seid — December 7, 2005 @ 8:27 am
Magparamdam ka naman sa YM!
Comment by Seid — December 7, 2005 @ 8:28 am