a stalker’s dream come true
Wahahahaha! Ang saya nung Sabado sa kAME! Not only did we have a complete x/1999 group, mega take advantage naman ako sa mga pinag-kakaabalahan kong fafas! Ohohoho!!
Una sa lahat, napakasaya ko at nabuo ang matagal ko nang pinapangarap na X group. May mga nag-back out ng last minute, pero nagawan naman ng paraan in the end. Hindi man kami nanalo sa group cosplay, andami namang nasiyahan sa fanservice skit namin. Masaya nako dun! Hehehe. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh. XD
Basta for more chika tungkol sa nangyari sa kAME, mababasa nyo lahat (complete with pictures) sa LJ ko. Hehehe.
Anyway….WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! Super over to da max ang saya ko talaga nung Sabado. Pano ba naman naka-interact ko na naman si fafa Kakashi tsaka si fafa ganda-boses. Wah! Hindi ako masyadong nakipag-landian kay Kakashi kasi inaasikaso ko yung group namin. Mejo late pa kami dumating sa venue kaya wala na talaga akong time para mamanyak sya. Well, merong isang pagkakataon na nung nagsalubong yung landas namin ni Kakashi (naka-bihis normal nako XD) tapos parang nakipag-patintero ako sa kanya (wah landi! XD). Tapos bigla ko syang nilapitan tapos pilit kong tinatanggal ang mask nya. Wahahahaha! Ok na yun pwedeng manyak moment na yun. I’m so good talaga. Ohohoho!
Tapos si fafa ganda-boses…*sigh* nagpalit ng t-shirt sa harapan ko!!! O______________O;;;;
Ok hindi naman sya nag-burlesk king sa harapan ko, pero mainit kasi nun kaya nagpalit sya ng damit. At hindi ako derechong nakatingin sa kanya kasi may hinahalukay ako sa bag ko. Pero yung peripheral vision ko nakatutok sa kanya. Waaaaaiii~~! Manyak mode talaga! Ang saya-saya!
Ang masaya pa dito, may testimonial pa ako sa kanya sa friendster! Hehehe. O ayan clue na yan kung sino sya ha. Sa mga nasa Friendster network ko, malalaman nyo rin kung sino sya pag nagpunta kayo sa profile page ko. Wahahahahaha! Basta sikwet lang ha. Baka matunton nya itong post na ito lagot na! XDDD
At the end pa nung event nagyayang mag-inuman yung friends ni Kakashi. Syempre papalampasin ko ba? Hehehe. Pina-inom nila ako ng purong lambanog, punyeta!!! Parang liquid fire na gumuhit sa lalamunan at ulo ko. Pwe! Ang shwanget ng lasa! Pinagtatawanan nga ako ni Kakashi meh labs. Hahaha. Hindi naman ako madaling malasing, pero isang shot lang ng lambanog nahilo nako!
Bago ako umalis sabi nya last shot na inom daw. Of course hindi pa rin ako umatras, kahit ampanget talaga ng lasa ng lambanog. Pinainom nya ako dun sa cup na ininuman nya!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!! Sana pala kinuha ko na yung cup para may remembrance ako. Wahahahahahahaha. OMG may hangover pa ba ako at para akong lukaret kung magsalita?
Basta ang saya ko!
musika: Flow - Go!!!
pakiramdam: masaya na pwede nang pumunta kay Lord

paksyet, sabu ngang madami akong na-miss. pero ok lang, kasi pag uwi ko, naisip ko talaga na kailangan ko yun. pang tangal lang ng stress sa trabaho at buhay. :p promise ko talaga, babawi ako sa susunod na con… at sana, matuloy na plano natin!
Comment by kat — November 29, 2005 @ 9:21 am
wow, bilib na talaga ako sa yo mare! XD baka balak ka sana lasingin ni kakashi para he can ‘take advantage of you’, mwahahaha! XD after all, you know how guys are SO attracted to older women XD
Comment by Angel — November 29, 2005 @ 10:02 am
@kat: ok lang yun mare. basta yung mastah plan ha! *winks*
@angel: natawa ako dun sa part ng “older women”. wahahahaha! i’m so freaking old na talaga compared to him pakshet! asan kasi ang mga tulad nya nung 21 ako?? lintek na buhay to! XDD tsaka hindi na nya ako kelangan lasingin para i-take advantage noh! by all means of transportation..go AHEAD!!!! wahahahaha!!!!! *rofl*
Comment by Presea — November 29, 2005 @ 4:59 pm
Ano ka ba, di mo ba alam, women are like fine wine, we get better as we get older XD Up to a certain point of course, lol. Basta ba legal na siya, okay lang yun! Minor pa ba siya? O_O
Comment by Angel — November 30, 2005 @ 12:14 am
oo naman syempre. mahirap na pag amoy lupa na sa tanda. wahahhaa! hindi naman sya minor…i think he’s 21. legal na legal! yun pa eh toma nga ng toma eh! hehe.
Comment by Presea — November 30, 2005 @ 5:12 am
o, legal naman pala eh, GO GO GO!!! XD Ako nae-excite para sa yo mare hehehe!
Comment by Angel — December 1, 2005 @ 10:54 am
hahahaha! ayos ka talaga mare. yan ang gusto ko sayo. XD pucha parang nagiging blog na ito sa mga stalking escapades ko ha. *lol*
Comment by Presea — December 1, 2005 @ 2:21 pm
wahahahahahah!!! XD
powtek kung ako rin painumin sa same cup ng sino-stalk ko…wahahahah dream come true!
“naghalo ang laway namin!” wahahahhaha!
Comment by JC — December 1, 2005 @ 4:44 pm
indirect kisu!!! wahahahahaa!!!
Comment by Presea — December 2, 2005 @ 6:46 am
Goodluck sa iyong pagstalk. Gambatte! Pumunta kaya siya sa …. ?
BTW, new layout po. ^_^
Comment by Aaron — December 3, 2005 @ 5:22 am
@aaron: wah! sana pumunta sya! kumpleto na pasko at bagong taon ko pag nagkataon.
at mas ok kung sa bahay namin ang party dba? wahahahaha!!! sheeeet!
Comment by Presea — December 3, 2005 @ 2:59 pm
Uuuuy, baka pwede na kayo mag-move on sa bodyshots!! Para hindi na indirect! XD
Comment by Angel — December 4, 2005 @ 10:39 am