Quiescence

November 16, 2005

*wub* *wub* kakashiiii!!

Filed under: Kaloka

Tinanggal ko muna pansamantala yung links sa mga blogs ko sa forums. Mahirap na baka biglang bumisita ang mga fwends ni Kakashi tapos biglang makikita itong stalker mode post ko. XD

Haaaaaaay…parang feeling ko balik-highschool ako. Tumatayo ang balahibo ko tuwing naaalala ko yung nangyari last Sunday. Pano kasi, stalker’s dream come true talaga lalo na pag may golden opportunity ka to take advantage of certain people. Para sakin, ang golden opportunity na ito ay nangyari sa HERO con, sa Naruto group cosplay.

Sabi ko nga noon, may ulterior motive talaga ako bakit ako sumali sa Naruto group. At yun ay upang magkaroon ng close encounters with zeh Kakashi cosplayer na matagal ko nang ini-i-stalk nung ToyCon pa. Putek, napaka-mailap ng taong ito. Hindi nag-fo-forums, hindi nag-ne-net (but I recently discovered he’s into online games pala XD), so talaga namang pahirapan kung san ko sya hahanapin.

Anyway, para akong malanding school girl nung araw na iyon. Well, deep inside. Pero syempre hindi ko ipinapakita at hindi ko ipinapahalata kung gaano ako ka-excited. Nakakatuwa talaga lalo na dahil kinakarir talaga ni Kakashi ang pagiging Kakashi nya, i.e., ayaw patanggal ang maskara. Harot talaga ako…hinahabol ko pa sya at pilit kong tinatanggal ang mask nya. For a reed thin guy, he sure does have a lot of strength. As in hindi ko talaga magawang tanggalin yung hands nya sa mukha nya. Pero syempre, tuwang-tuwa ako deep inside. Hahaha! Ang tanga ko talaga!

Ang cute pa nyang umarte sa skit! Merong isang segment dun na parang ako lang ang tatanggal ng mask nya onstage. Close encounters talaga are so fun! XD Tapos nung nanalo pa kami, syempre tuwa ang lahat sa group. Nung nag-gather na yung mga cosplayers sa stage, hinawakan pa nya kamay ko tapos tinaas (parang winner pose) habang nakiki-picture yung mga tao. SHET HALOS MAMATAY AKO NUN EVER! *rofl* Para talaga akong school girl kung tumili (deep inside hahaha!).

Ang cute cute nya talaga! Kahit di ko pa nakikita peys nya, cute talaga sya! Ang kulit! Ang kukulit ng mga fwends nya. As in tawa talaga ako ng tawa. Meron pa ngang isang part nun na habang naghihintay kami na mag-skit onstage, sabay pa kaming nagpunta ng restroom to answer the call of nature (pero syempre sa mag-kaibang restroom noh! XD). Bwahahahaha! On the way pa dun nag-rekwes pa yung ibang tao na picture kaming dalawa. WAH! Muntik nang di kayanin ng powers koh! *rofl*

Days after the event, parang tanga pa rin ako tuwing naalala ko kasi nakangiti lang ako, natatawa mag-isa. Buti na lang wala akong kasama otherwise they’d think I’ve lost it. Kahit ngayon nga natatawa na lang ako. Naloloka na talaga ang lolang ito. XD

Yun nga lang, napag-alaman kong mas bata pa sya sakin. Like, hindi po ako pumapatol sa mga mas bata pa sa akin. Ka-edad nga lang nya yung sumunod sakin na kapatid ko. Yrch! Parang pinatulan ko na rin ang little brother ko! XDDD Pero masaya lang talaga ang may ini-i-stalk ka. Hahahahaha!

Ah…eto nga pala ang konting pix namin na nasagap ko. URLs na lang kasi tinatamad nakong mag-resize. XD

Group pic namin. Ang ganda koh! Bwahhaahahaha!
Kakashi with his kulit fwends (Gai and Asuma)
Family picture! Nyahahaha!
Tsunade’s Delight onstage!
Gwapo ni Sasuke!! *nosebleeds*

musika: Carrie Underwood - Independence Day
pakiramdam: nababaliw

6 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://quiescence.blogsome.com/2005/11/16/wub-wub-kakashiiii/trackback/

  1. Kyaaaaaah!!!! Ang lupeeeet XD Mukhang cute si Kakashi kahit naka-mask, cute yung eyes niya. Para ngang mas type ko siya dun sa Sasuke, although cute din yun. Para kasing, mas sexy yung dating nung Kakashi (Baka kaya ayaw tanggalin yung mask XD). Galing ng costumes niyo! Although tama ka, mas maganda sana kung blonde yung wig mo, hindi crayola yellow o_O Haaay, sarap ng kwento mo, kakilig! Sana marami pa kayong encounters ni Kakashi! Although sayang masyado pa nga siyang bata… u.u Wala ba siyang kuya? XD

    Comment by Angel — November 17, 2005 @ 1:52 am

  2. bwahahaha! shet i’m so happy pareho tayo ng taste. XDD o dba nga ang cute ng eyes nya? omg…kinikilig ako! XDDD sobrang sheexi kasi pag mysterious ang dating. wahahaha!

    T_T i just hate my crayola yellow hair, pakshet!

    magkikita kami uli kasi may con sa nov. 26. kakashi sya uli, maghi-hinoto naman ako. pano ko kaya sya lalandiin kung uber bigat naman ng damit ko. pero i’ll try to snag a few pix again. lalandi na rin ako para sulit! XD

    Comment by quiescence — November 17, 2005 @ 3:22 am

  3. bakla, haba ng hair mo! paano mo natunton yon! grabe ha, lufeet ng stalking powers mo! XDD yun pa rin ba cel# mo? text na lang kita about dun sa kAME ulit

    Comment by Meian — November 17, 2005 @ 3:56 am

  4. bwahhaahaha! syemps, ako pa? lagi akong babad sa net kaya madali ko na rin sya natunton. oo yun pa rin # ko. punta ka ng kAME at pareho natin syang manyakin! XDD

    Comment by quiescence — November 17, 2005 @ 4:17 am

  5. Bading ka talaga. Hehehe. Di ka naman pasaway no? Hahaha! Pero ang galing. Congratulations! Natutuwa ako sa ginawa nyo. Hinay hinay lang ke Kakashi cosplayer at baka sa sunod na makita ka nya, takbuhan ka na. Hahaha. Saka… wow, bilib ako sayo! Sa iyong pinakitang “prowess” (Tama ba? O powers? Ewan. Alam mo na kung ano yun :D )

    Comment by kat — November 17, 2005 @ 7:37 am

  6. pag tinakbuhan nya ako, ibig sabihin nabasa nya ito o alam nyang crush ko sya! hahahahaa! ok lang naman magka-crush. di ko naman sya papatulan dahil mas bata pa sya sakin. bwahahaha! ang krung-krung ko talaga XD

    Comment by Presea — November 17, 2005 @ 10:05 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>























Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here