tsunade’s delights
Sobrang delayed na itong post na ito kasi naghihintay ako ng pics na pwedeng isabay dito. Since wala naman akong dalang digicam (or any camera for that matter), susubukan kong mai-download sa computer ang nakuha kong pics sa camera ng telepono ko. Makikihiram na lang muna ako siguro ng pics ng iba pero sa next post ko na marahil ilalagay yun.
Anyway, grabe ang saya last Sunday sa Hero Con!!! Ito na yata ang convention na pinaka-na enjoy ko ang pagco-cosplay. Hehehe. Oo, pinayagan ako ng nanay ko na pumunta. Ayos talaga ang pa-good shot tactics para mapapayag ang magulang sa mga bagay na normal nilang tinatanggihan.
Back to da kwento, ang saya talaga! Nung second day na lang ako pumunta kasi baka sagarin ko ang pasensya ng nanay ko kung sa parehong araw ako pumunta. Dito ko na rin ginamit yung Tsunade costume ko. Kaya lang naman ako biglang napa-cosplay kasi gusto ko talagang sumali dun sa Naruto group sa FilCosplay. Dapat talaga makiki-join ako sa kanila para sa kAME event, pero nakuha na yung character na gusto ko. Eh nung nag-balak magpunta ng Hero Con yung ilan sa kanila, naki-join na ako. Mwehehe. At syempre may specific reason talaga ako kung bakit ako sumali. Ohohohoho! *cough*
Ayun, sabi ng mga kasama kong cosplayers na makakarating sila sa venue ng 9AM (yun yung opening time). So syempre, kelangang maaga ako kaya kahit inaantok ako, sumama na ako sa parents ko para mag-simba ng 6AM. After simba at breakfast, derecho na akong pumunta sa venue. At dahil Sunday, nakuha ko lang in roughly one hour and 15 minutes ang biyahe. Mga pasado alas-8 nandun na ako.
At syempre dahil masisipag ang mga kasama ko, wala pa sila nung pumatak ang alas-9!!! At dahil din dun, ako tuloy ang na-register na unang cosplayer that day para na rin sa catwalk. Jus kooohh…halos mamatay ako sa nerbyos nun dahil mag-a-alas-10 na eh wala pa rin sila. Mabuti na lang at may dumating na isa sa kanila, ang aming Inuzuka Kiba cosplayer.
Siguro mga pasado alas-10 na nung tumawag sakin si Asuma cosplayer para sabihing nasa Calamba, Laguna pa raw sila. Syempre, mega worried ang lolah nyo baka hindi sila umabot. Thank goodness talaga at hindi ma-traffic kapag Sunday kung hindi…
Mabuti na lang at hindi sila nasarhan sa registration. Sila Sarutobi Asuma, Maito Gai at Hatake Kakashi cosplayers (ng group namin) ang pinaka-huling nakapag-register. At mabuti na lang din may oras pa para makapag-bihis sila. My ghulay halos mamatay ako sa nerbyos habang naghihintay.
Para sa mga nagpunta nung araw na yun, I’m sure pansin nyo na bumaha ng mga Naruto characters, not to mention the fact na parang nagmistulang nag-kagebunshin no jutsu si Naruto, Sasuke, Kakashi, Gaara, Sakura at Kiba sa event na yun. Andaming nag-cosplay ng mga nasabing characters na yan. Sa tingin ko nagsawa rin yung audience nung catwalk dahil paulit-ulit yung mga costumes of the same character. Sa akin naman hindi ko rin masisisi ang mga cosplayers dahil karamihan sa kanila ay mga first-timers at siguro madaling gawin ang Naruto character costumes on short notice. That, and of course the fact na talagang napaka-popular ng anime na yan.
Speaking of catwalk, ako ang pinaka-unang rumampa sa stage, pakshet yan!!! Super aga ko ngang dumating kaya hayan…napa-sabak tuloy ang beauty ko. Bwahahahaha! Sa backstage pa lang eh humihinga lang ako ng malalim dahil baka mag-kumbulsyon ako sa sobrang nerbyos. Ang di ko inaasahan ay magiging blessing in disguise pala ang pagiging first in the line. Ang kinagandahan pala pag nauuna ka ay fresh na fresh ang attention ng audience. Ngayon lang sa tanang buhay ng pagco-cosplay kong narinig na maghiyawan ang mga tao nung lumabas si Tsunade. Okay, hindi ako talaga yung tipong sexy na Tsunade, pero sinubukan ko namang maging “in-character” kahit paano (i.e., ang pagiging maangas at ang pagkawala ng hiya upang magawang magpalitaw ng cleavage).
Medyo palpak pa nga ng konti yung part na ginawa ko yung summoning stance dahil lumipad na naman sa kung saan ang isip ko, pero mabuti naman at hindi ko naipahiya ang sarili ko. Super thankful na rin at nauna ako kasi habang pinapanood ko yung buong catwalk, halos wala nang pumapalakpak pagkatapos i-introduce ang pang-nth na Naruto, Sasuke, Kakashi, Gaara, etc.
Pagtapos ng catwalk ay bumili muna ako ng inumin dahil feeling ko sobrang dehydrated nako (at feeling ko rin na unti-unti nang napapanis ang laway ko XD), then bumalik na ako sa cosplayer’s area upang makipag-usap sa mga group mates tungkol sa gagawin namin sa skit. Meron na kaming general idea pero di pa naming alam kung pano naming magagawa yung idea na yun. Bale ang pinaka-theme ay yung tungkol sa episode about the mystery behind Kakashi’s mask. Dahil na rin sa may mga kasama pa kaming FC peeps na nag-pitch din ng ideas, nakagawa kami ng desenteng storyline at nakapag-practice pa ng konti. Ang masaya pa dun makukulit talaga sina Gai, Asuma at Kakashi kaya enjoy na rin ang pag-brainstorm at pag-practice.
May isinama pa kaming isang batang Sasuke sa buong horde ng mga Sasuke cosplayers para mas masaya. Pagdating ng skit contest proper, para kaming mga naiihing bata sa nerbyos. Hahahahaha! Bale tatlo kaming Naruto group cosplayers so imagine na lang yung pressure to come up with a unique skit. Buti na lang din at konti kami kaya hindi hassle masyado. Di ko naiku-kwento yung buong storya sa nangyari sa stage, pero pinaka-paborito ko talaga yung part na sinayaw naming yung “Jiraiya dance”. Hehehe. Panalo sa audience! Yan, at yung idea na iniisip nila na parang yaoi yung isang scene ni Gai at Kakashi. Hehehehe. Da best talaga ang experience na yun.
Ang masaya pa dun, NANALO KAMI!!!! ^____________________^;;
Sobra na yatang haba nitong chismax ko. Sige padadalian natin…
The Not-So-Good Thingee:
1. A flaky emcee saying “Uchiha Sa-SU-Ke” (emphasis on “su”) and making lots of unnecessary adlibs every time a cosplayer goes onstage. Haller? Ilang beses nya sinabi ito…ang audience pa ang nag-korek sa kanya. Sabi pa nga ng cosplay organizer to “go easy on the first timers” tapos kung anu-ano pa ang sinasabi sa catwalk ng mga cosplayers. *shakes head*
2. Ang pagdating ng mga uber pasaway sa cosplay community. Ibang storya na rin ito.
Best Experience:
1. Teaming up with Gai, Asuma, Kakashi, Kiba and Sasuke…and actually winning! Hindi pa ako nananalo sa isang cosplay ever—masaya pala ang feeling!
2. Ang kakulitan ng mga jounins ng Tsunade’s Delight group. XD
3. Best treatment as a cosplayer. Okay sa olrayt ang pag-organize ng cosplay event. Wala akong na-experience na lalakeng nagbihis sa dressing room ng mga babae. Pero ang nakakatawa dito, yung mga babae malayang nakakapasok at nakakasilip sa dressing room ng mga boys!!!! O_O;; Bwahahahaha!
4. Going around the venue with people recognizing your character. As in meron pa ngang mga batang lumalapit sakin (“Uy si tandang Tsunade!”, “Tsunade!!!”, “Uy yung ika-limang Hokage!”). Meron pa ngang bata na nakipag-high five sakin eh. Grabe…priceless talaga ang experience na ito.
5. Getting a picture with the cutest Sasuke cosplayer. May lumitaw na actual bishie Sasuke cosplayer. Ang tanga ko di ko naalalang may nagpa-picture pala sa amin nung nag-iikot ako sa venue.
6. Seeing a kickass Kisame cosplayer. Complete with an even kick-ass Samehade sword! \m/^.^\m/ Dapat naging finalist man lang ang taong ito. Sayang.
7. Taking advantage of a certain Kakashi cosplayer. Ohohohohoo!!! Mas mahaba ang chika tungkol dito! *evil grin*
Basta da best ang event na ito! Sana maulit uli ang pang-mamanyak ko kay H.K. ganitong ka-successful na event!
musika: John Mayer - Back to You
pakiramdam: di makatulog

Wow, ang sarap ng kuwento mo, parang feel ko nandun din ako XD Glad you had a great time cosplaying, pakita ka sana ng pics nung rumampa ka with the ‘cleavage’ pose XD Saka aabangan ko yung kuwento mo kay Kakashi! ^______^
Comment by Angel — November 15, 2005 @ 10:52 am
salamat mare.
unfortunately wala akong “cleavage pic”…plunging neckline meron. bwahahaha! at oo mas mahabang diskusyones ang tungkol kay kakashi beybeh. XD
Comment by quiescence — November 15, 2005 @ 11:53 am