Quiescence

October 8, 2005

the things i do for cosplay

Filed under: Cosplay

tsunade
I’m just amazed at how people would go through great lengths for something they feel passionate about. I’ve come to realize the same thing when it comes to cosplay. Ito na yata ang pinaka-weirdong bisyo na talagang kinarir to da max ng lolah nyo.

Anyway, nabanggit ko na previously na gawa na yung Tsunade costume ko, kelangan ko na lang yung necklace at wig. Dapat ako yung gagawa ng necklace kasi hindi ko type yung mga bato na nabili ko sa Divi. Kaya napabili ako tuloy ng epoxy clay at kung anu-ano pang anik-anik. Tapos in da end hindi ko rin ito nagamit dahil nang makakita ako ng medyo kahawig na bato sa Sak-O-Beads sa Megamall, dun ko na pinagawa. Inisip ko sayang naman yung mga binili ko kaya napag-isipan kong gagawa pa rin ako ng sariling Tsunade necklace para matuto na rin ako gumawa kahit pano.

Nagkataong kakailanganin ko ang costume na ito para sa isang gimik. So I needed a wig…fast! Dapat kasi ipapagpaliban ko muna ang pagbili ng wig hanggang sa mag-sale sa SM. Eh dahil kailangan ko na sya, napabili tuloy ako kagad. Ang malas pa dito the following week may sale sa SM! Anak ng pateng at kalabaw talaga.

Tumingin na ako the previous day sa SM Megamall ng blonde wig. Di ko gusto yung pagka-yellow nya (it’s really bright) kaya di muna ako bumili. Eh dahil kinailangan ko na, I was prepared to buy the wig regardless of the ugly color. So nagpunta ako ng SM North para dun bumili. Eh nagkataon wala na silang stock ng wig na yun!! Ano ba yaaan!!! May balat yata ako sa pwet! Tapos itong lokang saleslady binibigay sakin yung red na wig. I need a BLONDE wig, not a red one, dammit! Desperado na talaga ako kaya nagpunta akong Megamall para balikan yung nakita ko. Ayun! Napalayo tuloy ako!

Medyo bad trip pa nga ako dahil hindi ko gusto yung pagka-yellow ng wig. Masyado syang yellow at hindi yung natural blonde color talaga. Mas masaklap pa dito ay umabot sa mahigit 1k ang cost nya, so goodbye precious savings talaga! Medyo napa-aray ako ng konti dun. T____________T

At di lang yan! Nagpa-manicure at pedicure pa ako kasi hindi ako marunong maglagay ng nail polish nang maayos. Sa mga nakaka-alam sa character na si Tsunade, may red nail polish ang kanyang finger at toe nails. Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi nagku-cutix ever. Tsaka first time kong magpa-manicure…ayoko na talagang ulitin ito! Medyo masakit pa yung kamay ko dahil talagang ginadgad ang cuticles ko. Huhuhuu. Kelangan matutunan ko nang maglagay ng cutix para hindi na ako gagastos ng 160 pesoses!!!

Pero ito na yata ang pinaka-matindi sa lahat—nag-iisip na naman ako ng panibagong ico-cosplay. Bwahahaha! Alam ko hibang na talaga ako…

musika: Mirai - Open Up Your Mind
pakiramdam: kagigising lang

10 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://quiescence.blogsome.com/2005/10/08/the-things-i-do-for-cosplay/trackback/

  1. Bilib talaga ako sa iyo, mare. Picture ulit ha?

    Uy, pano na yung group chuva natin?

    Comment by kat — October 8, 2005 @ 6:30 am

  2. wig lang talaga problema ko, mare. T_T as for the group cosplay, tuloy natin! maraming cons na darating bago matapos ang taon.

    Comment by Presea — October 8, 2005 @ 9:42 am

  3. What I Do For Cosplay

    A cosplay devotee….

    Trackback by Anime! — October 10, 2005 @ 3:43 am

  4. ayan ka nanaman sa kahibangan mo! sus ginoo ka talaga… o anong nangyari?

    Comment by jen — October 10, 2005 @ 3:17 pm

  5. huwaw!! nagcosplay!! hindi un weird ha. lol. XD but i never tried to join sa mga cosplay. XD sa mga malalayong lugar kc hiniheld! XD lol. katulad niyan, megamall. XD lol. @_@

    Comment by christel-chan — October 11, 2005 @ 10:18 am

  6. wah! salamat sa pagbisita. :D san ka ba umuuwi? feeling ko sobrang layo kaya hindi ka masyadong nakakapunta. wag mo akong gayahin…expensive ang bisyo na ito. XD

    Comment by Presea — October 11, 2005 @ 11:40 am

  7. Gald you’re excited for AME. Ako naman kabaliktaran ang nararamdaman….waaa. XD Baka this weekend pa lang ako bumili ng materyales. Heaven help me.

    Comment by Aaron — October 12, 2005 @ 4:26 am

  8. kaya pa yan…matagal pa ang event. basta kung kelangan mo ng help sa paggawa, dito lang ako. :D

    Comment by Presea — October 12, 2005 @ 5:09 am

  9. pag ako sayo, i-dye ko nalang yung wig XD hahaha or i-spray can mo ng blonde color.. tumpak magigigng blonde yun heheh goodluck mare, pictures ha!

    Comment by mareng jen — October 12, 2005 @ 3:55 pm

  10. nabili ko na sya, mare. it’s reeaaally bright yellow. ang pangeeet! T_______T pero no choice ako e. meron kasing mabibilhan na tama yung kulay pero sobrang layo and i needed it asap that time. huhuu..

    Comment by Presea — October 12, 2005 @ 4:17 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>























Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here