Quiescence

October 3, 2005

ang pagbabalik ni shaidaaah!

Filed under: Rebyus

shaider
Habang nagcha-channel surfing ako kahapon, napunta ako sa test broadcast ng Hero TV, yung sinasabi nilang local version ng Animax na ang palabas ay puro Tagalized na anime. Hindi ko inaasahang ipapalabas nila uli ang Shaider. Ganun na lang ang tuwa ko nang makita ko uli si bakat boy Alexis at kita panty Annie.

Ang masaya pa dito, hindi nila pinalitan ang mga dubbers ng characters. Kung ano ang naaalala kong boses nila Ida at Lay-Ar, yun na yun pa rin. Grabeng nostalgia tripping talaga! Hindi ko aakalain na alalang-alala ko pa rin ito simula nung una ko itong mapanood nung grade school. Grade school pa, pakshet yan ang tagal na!

Pero muntik na akong malaglag sa upuan ko nun nung sumigaw si Shaider ng “Vaviluuuus!!!!” Bwahahahahahaha!! Eh diba VaviLOS yung space ship nila??? Mukhang nahahalatang Bisaya ang dubber ni Shaider ha. Syempre, makalaglag-upuan talaga ang jingle ng bayan. Still remember da Shigi-shigi anthem??? NYAHAHAHAHAHAHA!!! Grabeng laugh trip ever!

Syempre umiral na naman ang pagiging topak ko diba? Pano napansin ko na mahilig ang mga tokusatsu heroes natin na mag-posing sa ibabaw ng bundok at sa matataas na lugar. Hindi ba sila nalulula? Eh dun pa naman sa end credits ng Shaider, nakatayo sya sa pinakatuktok ng bundok, as in pag tutungtungan mo baka mabali pa yung pinaka-peak. Nakakatakot!

Di ko pa alam kung kelan yung mismong formal broadcast ng Hero TV, pero aabangan ko itong Shaider! Syempre, kahit ako curious kung puti o yellow ba talaga ang panty ni Annie. Mwahahahaha!

Pahabol: HAPPY BIRTHDAY kay Meian, ang aking fellow Octoberian. ^_^

musika: Akira Kushida - Space Sheriff Shaider
pakiramdam: bugbog-sarado

9 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://quiescence.blogsome.com/2005/10/03/ang-pagbabalik-ni-shaidaaah/trackback/

  1. jen mare, hehe. nabasa ko yung comment mo kaso ewan ko ba kung bakit na-recognize sya as spam. labo rin pala ng comment chuva dito sa wordpress. anyway, may nakita akong binebenta sa cdjapan ng shaider series mismo. hay grabeng nostalgia tripping talaga. sana ibalik din nila dito yung mga dating sentai series…miss ko na yung mga yun. hehehe. the mere fact na 70s pa sya pinalabas, marami nang fobness dun. XD naabutan mo pa naman yun nung nandito ka pa sa pinas dba? pero in fairness medyo advanced na ang SFX nya considering nung 70s pa sya nilabas.

    Comment by Presea — October 4, 2005 @ 10:54 am

  2. Masaya nga at un pa rin ang dati niyang boses. Nakagawian na eh. Si Ida ay hindi ko pa rin alam kung transvestite…@_@

    Si Annie…. white yun! :D

    Tsaka sana ung iba pang sentai ipalabas nila rin. Ang gusto ko rin sa Hero ay yung Animyx portion nila… Anime MTV’s na may lyrics! Pwede ng magvideoke…tsaka gusto ko ng marinig ulit ang mga incantations ni Line Inverse at Cherry Nai… ^_^

    Comment by Aaron — October 4, 2005 @ 4:21 pm

  3. white ba? bwehehehe. ulyanin na talaga ako. XD oo nga hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang kasarian ni ida.

    may anime mtv? maganda ba?

    Comment by Presea — October 5, 2005 @ 2:51 am

  4. Thanks! XD

    Comment by Meian — October 6, 2005 @ 1:54 am

  5. Waaaah! Nostalgia trip talaga. Mas ok yan kung back to back yan with Maskman & Bioman.

    Tanong ko lang. Bakit si Shaider dubbed in Tagalog, pero sila Bioman, English? :D

    Comment by kat — October 6, 2005 @ 8:04 am

  6. @kat: err…siguro hindi pa uso yung tagalized dubs? nauna ang bioman sa ibang sentai series diba?

    sana nga ibalik nila yung bioman at maskman! *wub*

    Comment by Presea — October 6, 2005 @ 10:40 am

  7. Ang alam ko brilliant white ang panty ni Annie, mare. Yung sis ko pala, may nahihiraman siya na officemate na obsessed sa sentai. May DVD ng series na mga Mask Rider. Haven’t watched it yet kasi di pa niya tapos, pero it features Mask Riders na may mga cards sila na nilalabas tapos gagawin nilang belt at isusuot para magtransform. Excited na ako panoorin if only to see them transform XD

    Comment by Angel — October 7, 2005 @ 12:00 pm

  8. O nga pala, I know a site na may puro sentai na songs. I already have the one from Bioman kasi luv ko siya (^.^) Punta ka dito: http://www.j-hero.com/plamocherid/music

    Comment by Angel — October 7, 2005 @ 12:05 pm

  9. hehe. thanks mare! napuntahan ko na yang japan hero. dami na rin akong na-dl na sentai songs. XD

    yung opismate ng sis mo meron kayang dvds ng bioman o maskman? yun talaga yung gusto kong mapanood uli. XD

    Comment by Presea — October 8, 2005 @ 3:20 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>























Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here