Quiescence

October 21, 2005

noooooo!!

Filed under: Iskul

Gaaaaah!!! Bakit naka-1.50 lang ako sa Media Theory class ko?? Baket?? BAKEEEET??? Huhuhuhu!!! T__________T Ang baba naman!!! Gets ko naman lahat ng theories pero masyadong na-scramble yata ang utak ko sa pag-apply nun sa exams. Siyeeeeet!!! Ang baba ng grade kooooohhh!!

Hindi ko na kukunin yang Broadcast Criticism next sem dahil parang yun din ang gagawin. Dun na lang ako sa isang Saturday class kahit ayaw ko ng weekend class (sagabal sa cosplay events XD) pero ayoko na uli makakuha ng 1.50!!!! Sa Saturday class na yun for sure 1.0 makukuha ko! Wahahahaha! Yabang! Pano kasi laging wala ang prof tsaka generous sa grades. Hehehehe.

Kainis…sana hindi ako makakuha ng 1.50 dun sa isa ko pang klase. Kundi, papatayin ko yang hinayupak na prof na yan! T__________________T;;;

——

Ngayon ko lang pala nalaman na ka-berday ko pala si papa Viggo Mortensen. XD

musika - none
pakiramdam - bigo

October 20, 2005

tanda mo na!

Filed under: Uncategorized

Hahaha! Tanda mo na! *points to self*

musika: Parokya ni Edgar - Ordertaker
pakiramdam: matanda

October 12, 2005

urrrrkkk…need coffee…

Filed under: Iskul

insomnia

Okey…nag-enjoy ako sa Media Theory class ko. Okey…marami akong natutunan…

Pero hindi okey itong take home exam na ito!!!!

What are the contributions of semiotics and structuralism to our understanding of media texts? Briefly explain each theory and apply to particular texts of your choice to help illustrate the theories. Select texts from any media, e.g., reality TV or radio news or indie films or a broadsheet or even a website, etc. It may be one or any number of texts, depending on how well you use them to demonstrate the semiotic or structural meanings texts produce. On the other hand, how have the theories of poststructuralism and postmodernism challenged the semiotic/structuralist view of media texts and readers? How would you compare these frameworks with that of the uses and gratifications approach from the limited effects paradigm?

Ayoko naaaaaa…..

Gets ko naman lahat ng theories, pero yung pagcombine-combine sa iisang ia-analyze na media text…gaaaahddd…napupurol na ang utak ko. Kung ganito kalupet ang compre exams, kelangan ko ng isang galong kape para magising.

At dahil gusto kong makakuha ng bonus points, sinasagutan ko lahat ng questions. Nakaka-7 pages na ako dito…sabi pa naman sa instructions…answers must be concise and need not be kilometric; substance is what matters, not bulk. Patay. Eh ido-double space ko pa itong buong papel na ito.

Ayoko naaaaa…..

Medyo nahihirapan pa akong ipag-distinguish ang post-structuralism at post-modernism. Lintek na mga poste yan!!! Gyuuuunesss…

Ayoko na talaga…..

musika: Civil Eyes - Please Don’t Go
pakiramdam: sukang-suka na…

October 8, 2005

the things i do for cosplay

Filed under: Cosplay

tsunade
I’m just amazed at how people would go through great lengths for something they feel passionate about. I’ve come to realize the same thing when it comes to cosplay. Ito na yata ang pinaka-weirdong bisyo na talagang kinarir to da max ng lolah nyo.

Anyway, nabanggit ko na previously na gawa na yung Tsunade costume ko, kelangan ko na lang yung necklace at wig. Dapat ako yung gagawa ng necklace kasi hindi ko type yung mga bato na nabili ko sa Divi. Kaya napabili ako tuloy ng epoxy clay at kung anu-ano pang anik-anik. Tapos in da end hindi ko rin ito nagamit dahil nang makakita ako ng medyo kahawig na bato sa Sak-O-Beads sa Megamall, dun ko na pinagawa. Inisip ko sayang naman yung mga binili ko kaya napag-isipan kong gagawa pa rin ako ng sariling Tsunade necklace para matuto na rin ako gumawa kahit pano.

Nagkataong kakailanganin ko ang costume na ito para sa isang gimik. So I needed a wig…fast! Dapat kasi ipapagpaliban ko muna ang pagbili ng wig hanggang sa mag-sale sa SM. Eh dahil kailangan ko na sya, napabili tuloy ako kagad. Ang malas pa dito the following week may sale sa SM! Anak ng pateng at kalabaw talaga.

Tumingin na ako the previous day sa SM Megamall ng blonde wig. Di ko gusto yung pagka-yellow nya (it’s really bright) kaya di muna ako bumili. Eh dahil kinailangan ko na, I was prepared to buy the wig regardless of the ugly color. So nagpunta ako ng SM North para dun bumili. Eh nagkataon wala na silang stock ng wig na yun!! Ano ba yaaan!!! May balat yata ako sa pwet! Tapos itong lokang saleslady binibigay sakin yung red na wig. I need a BLONDE wig, not a red one, dammit! Desperado na talaga ako kaya nagpunta akong Megamall para balikan yung nakita ko. Ayun! Napalayo tuloy ako!

Medyo bad trip pa nga ako dahil hindi ko gusto yung pagka-yellow ng wig. Masyado syang yellow at hindi yung natural blonde color talaga. Mas masaklap pa dito ay umabot sa mahigit 1k ang cost nya, so goodbye precious savings talaga! Medyo napa-aray ako ng konti dun. T____________T

At di lang yan! Nagpa-manicure at pedicure pa ako kasi hindi ako marunong maglagay ng nail polish nang maayos. Sa mga nakaka-alam sa character na si Tsunade, may red nail polish ang kanyang finger at toe nails. Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi nagku-cutix ever. Tsaka first time kong magpa-manicure…ayoko na talagang ulitin ito! Medyo masakit pa yung kamay ko dahil talagang ginadgad ang cuticles ko. Huhuhuu. Kelangan matutunan ko nang maglagay ng cutix para hindi na ako gagastos ng 160 pesoses!!!

Pero ito na yata ang pinaka-matindi sa lahat—nag-iisip na naman ako ng panibagong ico-cosplay. Bwahahaha! Alam ko hibang na talaga ako…

musika: Mirai - Open Up Your Mind
pakiramdam: kagigising lang

October 3, 2005

ang pagbabalik ni shaidaaah!

Filed under: Rebyus

shaider
Habang nagcha-channel surfing ako kahapon, napunta ako sa test broadcast ng Hero TV, yung sinasabi nilang local version ng Animax na ang palabas ay puro Tagalized na anime. Hindi ko inaasahang ipapalabas nila uli ang Shaider. Ganun na lang ang tuwa ko nang makita ko uli si bakat boy Alexis at kita panty Annie.

Ang masaya pa dito, hindi nila pinalitan ang mga dubbers ng characters. Kung ano ang naaalala kong boses nila Ida at Lay-Ar, yun na yun pa rin. Grabeng nostalgia tripping talaga! Hindi ko aakalain na alalang-alala ko pa rin ito simula nung una ko itong mapanood nung grade school. Grade school pa, pakshet yan ang tagal na!

Pero muntik na akong malaglag sa upuan ko nun nung sumigaw si Shaider ng “Vaviluuuus!!!!” Bwahahahahahaha!! Eh diba VaviLOS yung space ship nila??? Mukhang nahahalatang Bisaya ang dubber ni Shaider ha. Syempre, makalaglag-upuan talaga ang jingle ng bayan. Still remember da Shigi-shigi anthem??? NYAHAHAHAHAHAHA!!! Grabeng laugh trip ever!

Syempre umiral na naman ang pagiging topak ko diba? Pano napansin ko na mahilig ang mga tokusatsu heroes natin na mag-posing sa ibabaw ng bundok at sa matataas na lugar. Hindi ba sila nalulula? Eh dun pa naman sa end credits ng Shaider, nakatayo sya sa pinakatuktok ng bundok, as in pag tutungtungan mo baka mabali pa yung pinaka-peak. Nakakatakot!

Di ko pa alam kung kelan yung mismong formal broadcast ng Hero TV, pero aabangan ko itong Shaider! Syempre, kahit ako curious kung puti o yellow ba talaga ang panty ni Annie. Mwahahahaha!

Pahabol: HAPPY BIRTHDAY kay Meian, ang aking fellow Octoberian. ^_^

musika: Akira Kushida - Space Sheriff Shaider
pakiramdam: bugbog-sarado






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here