taray queen
Feeling ko ang sama sama ko na antaray-taray ko.
Paano ba naman dun sa isang class ko…we have this project to do a content analysis of newspapers. Aside from doing our own analysis of our assigned papers, we have to meet as a class to discuss our findings prior to consolidating our papers para maipasa as one document. Ang kasunduan, magmi-meet kami ng September 24.
So ano ba ang ibig sabihin ng usapang ganun? Diba dapat pagdating ng date na yun ay tapos na kami at naka-type na yung mga findings namin? Grabeng puyat pa ang ginawa ko para lang matapos ko yung part ko. Hindi pa ako lumabas ng isang linggo para lang tutukan yan.
So nung dumating ang Sabado, aba…iilan lang ang nagpunta! Yung iba, wala man lang pasabi kung buhay pa ba sila o papasok ba sila. So yung mga dumating lang (meaning ako at ilan sa mga classmates ko) ang nag-discuss. Medyo pahirapan pa nga kung sino ang magco-consolidate ng paper kasi lahat kami maraming ginagawa. Eh since grade conscious concerned ako sa paper na ito, ako na ang nag-presentang magco-consolidate. Eh nainis ako nung araw na yun dahil wala talagang paramdam yung mga hindi pumasok. Ang una ko pa ngang sinabi na yung mga present lang ang isasama ko sa consolidated paper. Pero naawa din naman ako at binigyan ko ng pagkakataon na makasama yung mga hinayupak na hindi sumipot: basta deadline ng summary of findings nila ay Sunday (which is today) at 12 midnight tapos Thursday na yung mismong buong paper nila. So ibig sabihin nito, ako ang magpi-print ng mga papers nila.
Eh yung isang kaklase ko sabi Monday pa raw nya mai-email ang summary nya at wala daw CD-ROM yung internet shop sa Bulacan. Sa inis ko, nag-text ako sa kanya at tinanong kung bakit kasi hindi sila sumipot sa usapan? Ayan, sabi nya babalik daw sya ng QC para ma-email nya sakin.
Medyo naawa naman ako sa tao, kahit paano. Pero nakakainis talaga yung mga classmates ko sa klaseng ito. Parang wala silang pakialam sa project na ito. Lahat naman kami maraming ginagawa, marami din sa amin ay marami pang inaasikasong ibang bagay tapos kung maka-dahilan sila akala nila pasan nila ang mundo. Yung isa nga sa amin full time student pero nakapag-pasa sya on time. Alam mo yun??? Ano ba naman yung mag-exert sila ng konting effort? Nakaka-bwisit!!!
Masyado ba akong nagsu-sungit o nasa katwiran ba ako?
musika: random James Bond songs
pakiramdam: naiinis

Nah, tama ka lang. Inconsiderate naman kasi sila eh. Buti sana kung sila lang affected, sige. Eh kaso the whole class ang madadamay because of their irresponsibility. Tapos may excuses pa sila. Nagmagandang loob ka na nga na ikaw na ang gagawa, despite your demanding job (congrats nga pala sa glam new job mo XD) and all they have to do is submit their own work (which they should have done anyway).
Ang main point kasi dun is that other people will be affected IN A BIG WAY by their actions, so sana inisip muna nila yun before sila nagpakatamad. Sabi nga, if you really want to do something, you will always find a way. And if you really DON’T want to do something, you’ll always find an excuse =)
Comment by Angel — September 29, 2005 @ 12:46 am
omg you’re alive!!!! how are you na? thanks for dropping by.
hehehe. salamat. minsan kasi parang natatarayan ako sa sarili ko. i don’t want to gain enemies, pero syempre ayoko namang ma-dehado sa project dba? ^^;
Comment by Administrator — September 29, 2005 @ 5:08 am
Sa akin lang. Minsan talaga hindi mo mapipilitang lumabas na GC. Lalu na kung ginagawa mo naman ung dapat mong gawin / requirements para sa subject na yun. Asar nga lang ung mga walang pakialam, na may gana pang mambansag eventually, kapag hindi mo sila isinama sa pasahan…..pft.
Comment by Aaron — September 29, 2005 @ 6:42 am
Ah basta. Hayan mo na sila. Nagawa mo na ung part mo, sila na ang humabol.
Comment by Aaron — September 29, 2005 @ 6:44 am
yun nga ang nakakainis. mga wala talagang konsiderasyon sila. T_T pinipilit ko na ngang daanin sa mapayapang paraan pero sinusubukan nila ang pasensya ko.
Comment by Administrator — September 29, 2005 @ 8:21 am
Hee, I’m okay, lagi lang broke kasi wala nang job, nagresign na, naghahanap ngayon ng racket lol. Hayaan mo sila. You can’t please everyone naman eh. Kung nasa tama ka naman, problema na nila yun. And anyway, hindi lang naman ikaw madedehado di ba, pati yung ibang nagpasa. I think some peole are like that talaga, it’s not that they deliberately try to hurt you, it just hasn’t OCCURRED to them na their actions could affect other people. Something like manhid na may pagka-stupid. I’m sorry, mataray din kasi ako kaya I’m probably not a very good judge of this situation ^^;;
Comment by Angel — September 30, 2005 @ 6:50 am
okay lang yun, mother. pareho tayong mataray. kaya nga gusto ko individual projects para walang sisihan.
Comment by Presea — September 30, 2005 @ 11:54 am
True. Group projects are so…disastrous. It only works if your groupmates are all as conscientious as you are about getting the work done. Otherwise, there’s always resentment over who did what, who did more, who did less. Professors should just quit giving out group work after grade school, it’s too messy XD
Comment by Angel — September 30, 2005 @ 6:19 pm
ewan ko nga what’s the sense in doing a group project gayung alam na nag prof na may tendency na may unequal distribution of labor. but there’s this one group project we had that turned out ok kasi ni-require ng prof na dapat lahat ng members may gagawin. as in dun pa lang equal na ang labor ng bawat isa. dapat ganun.
Comment by Presea — October 1, 2005 @ 3:02 am