mark that spot
What is it with men with the name Mark? Sa totoo lang, andami ko nang kilalang taong yan ang pangalan. They’re too many, if you ask me. Paano pag meron kang dapat kalimutan pero halos araw-araw mo nang naaalala dahil andaming nagpapa-alala?
Tulad na lang nung Skin White (lotion) commercial. Pangalan ng gwaping na guy ay Mark. Pati yung sa Fita, Mark din. Ano bang nangyayari sa mundo? Wala na bang maisip na pangalan ang mga advertisers kundi yun? Parang gusto kong alugin ang TV tapos itapon sa bintana. Hanlabo talaga.
Di lang yun. Pati ako rin yata may diperensha kasi ang mga nagugustuhan ko naman eh pangalan din ay Mark. Gwaaaah! At tipong pag may nakilala kang isang Mark, kilala mo na sila lahat. Pano? Kadalasan sa kilala kong Mark eh either torpe, manhid o bulag. Or all of the above. Minsan hindi ko na maisip kung mafi-freak out ba ako o maiinis.
Sana naman sa generation natin eh mag-isip naman nang mas uncommon names ang mga nanay. Ok lang kahit exotic basta hindi common. Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung mga common names. Kaya pag nagka-anak ako, sorry na lang sya dahil ang makukuha nyang pangalan ay yung tipong hindi na magkakasya sa birth certificate (sa haba) at yung tipong hindi mai-i-spell ng tama. Bwheehhe.
musika: Southborder - Asa
pakiramdam: busog

pinakabata kong kapatid, pangalan ay mark. XD
Comment by JC — September 18, 2005 @ 8:25 am
Baka kasi madaling bigkasin, madaling maalala. Hehe. Pero tama ka. Majority ng mga kakilala kong guys, kung hindi Mark, Michael. XD
Comment by kat — September 21, 2005 @ 5:07 am
ewan ba. basta parang sawa na ako sa pangalang yan pero andami ko pa ring na-e-encounter na taong may ganyang pangalan.
Comment by Administrator — September 25, 2005 @ 2:06 pm