Quiescence

September 29, 2005

ang diwatang may ginintuang buhok

Filed under: Zeh Fafables

jake1jake2

Oh my Lord. Oh my stars. Ang gwapo, gwapo, gwapo, gwapo, gwapo nya! Ang gwapo ni fafa Jake Cuenca! Wala akong pake kung mas matanda pa ako sa kanya, basta ang gwapo nyang nilalang! Mwahahahaaa!

Unang sulpot pa lang nya sa Encantadia, napalingon na ang lolah nyo. Kahit ang alam nyang sabihin noon ay “Papatayin ko si Lira!”, halos mamatay naman ako sa sobrang kaka-nosebleed. Kahit off the set, oozing with cuteness appeal talaga ang batang ito. Basta wala akong pake kung mabansagan akong pedophile at cradle snatcher!!! Basta akin sya…akeeeen! XDD

musika: Namie Amuro - All For You
pakiramdam: sakses na sakses!

September 25, 2005

taray queen

Filed under: Iskul

Feeling ko ang sama sama ko na antaray-taray ko.

Paano ba naman dun sa isang class ko…we have this project to do a content analysis of newspapers. Aside from doing our own analysis of our assigned papers, we have to meet as a class to discuss our findings prior to consolidating our papers para maipasa as one document. Ang kasunduan, magmi-meet kami ng September 24.

So ano ba ang ibig sabihin ng usapang ganun? Diba dapat pagdating ng date na yun ay tapos na kami at naka-type na yung mga findings namin? Grabeng puyat pa ang ginawa ko para lang matapos ko yung part ko. Hindi pa ako lumabas ng isang linggo para lang tutukan yan.

So nung dumating ang Sabado, aba…iilan lang ang nagpunta! Yung iba, wala man lang pasabi kung buhay pa ba sila o papasok ba sila. So yung mga dumating lang (meaning ako at ilan sa mga classmates ko) ang nag-discuss. Medyo pahirapan pa nga kung sino ang magco-consolidate ng paper kasi lahat kami maraming ginagawa. Eh since grade conscious concerned ako sa paper na ito, ako na ang nag-presentang magco-consolidate. Eh nainis ako nung araw na yun dahil wala talagang paramdam yung mga hindi pumasok. Ang una ko pa ngang sinabi na yung mga present lang ang isasama ko sa consolidated paper. Pero naawa din naman ako at binigyan ko ng pagkakataon na makasama yung mga hinayupak na hindi sumipot: basta deadline ng summary of findings nila ay Sunday (which is today) at 12 midnight tapos Thursday na yung mismong buong paper nila. So ibig sabihin nito, ako ang magpi-print ng mga papers nila.

Eh yung isang kaklase ko sabi Monday pa raw nya mai-email ang summary nya at wala daw CD-ROM yung internet shop sa Bulacan. Sa inis ko, nag-text ako sa kanya at tinanong kung bakit kasi hindi sila sumipot sa usapan? Ayan, sabi nya babalik daw sya ng QC para ma-email nya sakin.

Medyo naawa naman ako sa tao, kahit paano. Pero nakakainis talaga yung mga classmates ko sa klaseng ito. Parang wala silang pakialam sa project na ito. Lahat naman kami maraming ginagawa, marami din sa amin ay marami pang inaasikasong ibang bagay tapos kung maka-dahilan sila akala nila pasan nila ang mundo. Yung isa nga sa amin full time student pero nakapag-pasa sya on time. Alam mo yun??? Ano ba naman yung mag-exert sila ng konting effort? Nakaka-bwisit!!!

Masyado ba akong nagsu-sungit o nasa katwiran ba ako?

musika: random James Bond songs
pakiramdam: naiinis

September 18, 2005

mark that spot

Filed under: Atin-atin Lang

What is it with men with the name Mark? Sa totoo lang, andami ko nang kilalang taong yan ang pangalan. They’re too many, if you ask me. Paano pag meron kang dapat kalimutan pero halos araw-araw mo nang naaalala dahil andaming nagpapa-alala?

Tulad na lang nung Skin White (lotion) commercial. Pangalan ng gwaping na guy ay Mark. Pati yung sa Fita, Mark din. Ano bang nangyayari sa mundo? Wala na bang maisip na pangalan ang mga advertisers kundi yun? Parang gusto kong alugin ang TV tapos itapon sa bintana. Hanlabo talaga.

Di lang yun. Pati ako rin yata may diperensha kasi ang mga nagugustuhan ko naman eh pangalan din ay Mark. Gwaaaah! At tipong pag may nakilala kang isang Mark, kilala mo na sila lahat. Pano? Kadalasan sa kilala kong Mark eh either torpe, manhid o bulag. Or all of the above. Minsan hindi ko na maisip kung mafi-freak out ba ako o maiinis.

Sana naman sa generation natin eh mag-isip naman nang mas uncommon names ang mga nanay. Ok lang kahit exotic basta hindi common. Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung mga common names. Kaya pag nagka-anak ako, sorry na lang sya dahil ang makukuha nyang pangalan ay yung tipong hindi na magkakasya sa birth certificate (sa haba) at yung tipong hindi mai-i-spell ng tama. Bwheehhe.

musika: Southborder - Asa
pakiramdam: busog

September 12, 2005

first day at work

Filed under: Trabaho

Uy may trabaho nako! Hindi ko akalaing magkaka-work ako after more than 5 months of unemployment. Gulat din ako at ang bilis ng feedback dun sa inaplayan ko. Bale, nag-apply ako nun sa RPN 9 originally as a news writer, tapos sabi ng boss ilalagay na lang daw nya ako sa isang desk job. Nakakaloka dahil after4 days tumawag sakin para sabihing tanggap nako! Eto nga’t pumasok na ako kanina. Shift ko is from 6AM to 2PM, pero pinapasok ako ng 7AM. Dapat din sa Wednesday pa ang umpisa ko talaga pero pinapasok ako ngayon to teach me the ropes on the job.

Unang sabak ko pa lang, nawi-windang na ako! Unang-una, journalism ang background ko, so basically print media ang training ko. Na-culture shock lang ako kasi hindi ko alam ang mga jargons ng broadcast media, not to mention yung mga nagfi-feeling mga primadonnas na news reporters. Yung isang assistant dun na nagtuturo sakin ay mabait naman. Talagang ine-eksplika nya ang lahat ng kelangan kong malaman. Minsan nga, hindi pa tumatagos sa utak ko yung sinasabi nya dahil clueless talaga ako sa broadcasting (at sobrang aga pa noon, tulog pa ang utak ko). Medyo na-overwhelm lang ako dun sa sinabi nyang hindi maiiwasang magalit ang mga reporters at cameramen sa mga desk people.

Okay, ano nga ba ang trabaho naming nasa desk? Kami lang naman ang nag-aayos ng coverages at schedules ng mga reporters for deployment. Kasama na dyan ang pagche-check ng progress ng stories ng mga reporters, at minsan kami pa ang nagse-set up ng mga interviews. Ok fine, walang problema naman dyan dahil nakasanayan ko na rin yan noon. Ang problema lang kasi madalas nag-a-absent ang mga cameramen at driver kaya minsan nagku-kulang ng mga pwedeng mag-shoot kaya kelangan ayusin ang team (which is composed of a reporter, cameraman and a driver). Ang kinakainisan ko lang ay yung fact na halos lahat gawin mo para dun sa mga reporters. Eh nung ako naging reporter, lahat kargo ko, wala akong binabato sa mga editorial assistants. Yun kasi yung training ko. Eh itong mga reporters dito, lahat spoonfed. Well, hindi naman lahat pero most of the time ito ang nangyayari. Nakaka-culture shock lang kasi parang may pagka-iresponsable ang mga tao.

The funny thing is, magiging assistant ako nung classmate ko sa school kasi she serves as the news director. Baka pag mag-temper tantrum yun maapektuhan ang friendship namin (eh minsan pikunin ako at masyadong seryoso).

Kanina nga iniisip ko kung bibitiwan ko na ito kasi gusto ko na talagang matapos lahat ng subjects ko this year. Eh naisip ko naman na wala na akong mukhang ihaharap sa magulang ko kung parating urong-sulong na lang ako. Sabi naman ng nanay ko mas mabuti kung mag-full time student nako para matapos na. Agree naman ako dun, kaso yun nga…nahihiya naman din ako sa classmate ko kasi sya yung nag-refer sakin. Pati na rin sa tatay ko kasi natuwa pa sya nung nalaman nyang may work ako.

Hay…decisions, decisions. Parang nasanay na kasi ako sa wala masyadong ginagawa kaya umaandar na naman ang katamaran ko…

musika: Utada Hikaru - Be My Last
pakiramdam: nalilito

September 9, 2005

may tsunade costume nako!

Filed under: Cosplay

Bwahahahaha! May Tsunade costume nako! Actually, di pa sya tapos kasi binalik ko uli sa mananahi dahil may pinaayos ako. Bale, tapos na yung gray top tsaka yung green jacket. Kulang na lang yung symbol ng warui (gambler) sa likod. Pinabalik ko yung jacket kasi walang pilon yung lining ng collar, tsaka yung dark blue na obi, hindi ko type. Sinuot ko nga minsan sa labas yung gray na top…ang ganda! Para syang wrap-around blouse na may strings. Sadya ko talaga na pinagawan ng string yun para hindi naman bumuka kapag suot yung obi. Ayos, pwede ko pang ipanlabas yung top!!!

Once na naayos na yung mga pinapa-improve ko, tapos na ang costume! Kulang ko na lang yung wig. Wah! Sana naman hindi ganun ka-mahal sa SM yung wig. Dapat kasi gagamitin ko yung blonde wig ko na binili sa National, kaso sobrang haba nun (think Chii’s hair) eh ayoko namang tapyasin yun…sayang! So talagang mapapabili ako ng wig ng di oras.

Malamang hindi ko magagamit itong Tsunade costume sa kAME ulit kasi may Naruto group cosplay na at ayokong makakita ng ka-clone. Sayang talaga. Kaya kahit gusto kong mag-Naruto, dun na lang ako sa fino-form kong x/1999 group cosplay. At least yun siguradong walang makaka-clone ng Hinoto costume ko. Ayoko na ngang gamitin yung costume na yun dahil pahirap talaga, pero walang sense ang X cosplay pag wala si Hinoto diba? Hehehe. Kupal ko talaga. XD

Siguro one of these days tsaka na lang ako mag-Tsunade. Meron pa akong iniisip para sa costume na ito, but until then, sikwet na lang muna! Mahirap na baka…alam nyo na. XDDD

musika: Depapepe - Summer Parade
pakiramdam: inaantok






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here