kape + encantadia = bangag
Pansin ko lang lately na parang parati ako nagke-crave ng kape. At hindi lang yung basta-bastang kape ha. Ang trip ko pa yung brewed pa talaga…kung pu-pwede pa nga yung Figaro, Dunkin Donuts o yung Starbucks brewed coffee. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Kung marunong lang akong gamitin yung coffee maker sa bahay, hindi na ako mangangarap pang bumili ng mamahaling kape.
Grabe, minsan natatakot na rin ako sa fixation ko sa kape. Kasi naman minsan feeling ko nagpa-palpitate nako. Yung tipong parang may nakadagan na mabigat na bato sa dibdib mo. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga matanggal ang bisyong ito.
———————
Anyway, kainis na naman ang Encantadia. Nako-kornihan na ako sa role ni Jennylyn Mercado (Lira). Pag pinapanood ko yung “pakikipaglaban” chenelyn nya, natatawa na lang ako. Napaka-awkward talaga. Tapos natalo pa nya si Kahlil. Eh obvious naman na mas magaling umarte sa fight scenes yung fafa Kahlil na yun. Speaking of which, ako lang ba ang nakakapansin na Kahlil = Karylle?
Dahil na rin sa may nag-comment kung bakit daw sa tingin ko inconsistent/bano ang story line ng Encantadia, eto ang mga dahilan:
1. Sa tingin ko extra lang talaga yung mga scenes sa mundo ng mga tao para hindi mamatay yung character ni Mark Herras. Speaking of which, napaka-sagwa ng pag-arte ni Mark…parang napaka-bland ng expressions nya. Pag umaarte sya na galit, parang neutral pa rin ang face nya. Nakakatawa! Ewan ko ba kung pano naging survivor ito ng Starstruck.
2. Ginagawang filler yung character ni Cindy Kurleto (Cassiopeia) para sa mga bagay na hindi na-explain ng story dahil na rin sa pagkaka-organize ng sequence. Kumbaga, si Cassiopeia na ang bahalang pumuno sa mga gaps nito.
3. Hindi ko alam kung paano naging “bihasa” sa espada si Lira eh kung titignan maigi, parang hindi pa sya gaanong naturuan ng nanay nya. Gaya na rin ng sinabi ko, napaka-awkward ang pag-arte nya ng mga fight scenes.
4. Nakakatawa yung bigla na lang pinulot ni Ashti Danaya yung “gayak pandigma” ni Lira. Bwahahahaha! Parang lumitaw na lang sa lupa yung armor na ginamit ni Lira.
5. Nung sa episode na “napatay” ni Hagorn si Lira at nung nasa “limbo” sya para kalabanin yung dragon, napaka-superficial naman kung bigla na lang nya matatalo ang isang higanteng dragon just by singing! Anak ng pateng…ganun lang ba kadali yun? Eh di dapat kinantahan na lang pala nila Frodo at Sam si Sauron para nalaglag na lang yung mata nun sa tore nito. XD
6. Dahil binuhay uli si Hitano, ayan…naisantabi na naman sya. Para saan pang binuhay nila ang isang character kung isasantabi lang nila ito? What’s the purpose?
7. Nasaan na ngayon si Muyak? Na-stuck na lang ba sya forever sa mundo ng mga tao? Parang bigla na lang naglaho ang character nya.
Tama rin pala ang hinala ko na tatay ni Pirena si Hagorn. Ewan ko kung napansin nyo yan last episode. Inis din ako sa character ni Asval kasi he reminds me of some asshole sa cosplay community. Mwehehehehe.
musika: Hironobu Kageyama - Ai no Sorujaa
pakiramdam: lunod sa kape

ewan ko diyan sa mark herras na yan, walang kwentang nilalang. pucha, mukha lang ata ang meron yan pero walang talent. ay teka, marunong pala siyang sumayaw. yun lang ata ang talent niya, at magpa-cute kahit na acute siya. bwahaha.
Comment by Jen — August 30, 2005 @ 2:27 am
anlabo!! akala ko ba walang uri ng espada ang makakapatay kay kahlil? diba yung kabilan di gumana? so ibig sabihin mas malakas pa sa kabilan yung espada ni lira? ANLABO TALAGA! ANO BA YAN!
Comment by Administrator — August 30, 2005 @ 5:25 am
apparently mas malakas nga ang espada ni Lira. nakakatawa talaga. ang tatanga! gusto ko ng sumulat sa GMA.
Comment by Jen — August 31, 2005 @ 1:59 am
hoi anlabo talaga! may suggestion ako: pagdating ni lira ng devas, dapat andun si kahlil. kung gusto buhayin ng gma yung character nya, dun pwedeng gawin ni lira. pero pag wala si kahlil sa devas, dun mo malalaman na BANO NA TALAGA ANG STORYA!
Comment by Administrator — August 31, 2005 @ 3:09 am
naging addict din ako sa kape dahil sa toffee nut cappuchino ng starbucks last year. ngayon, masaya na ako sa french vanilla creamer ng coffeemate. di ako maka-comment sa encantadia dahil di ko cya napapanood hehe, so sa kape nalang. magastos mahilig sa kape lalo na kung iinom ka lang sa starbucks/seattles/etc… hehe.
Comment by kat — September 1, 2005 @ 1:15 am
hehe ok lang mare. natatakot talaga ako sa addiction ko sa coffee..baka rumesbak sakin ang epek pag matanda nako. XD dito nga sa bahay kahit yung instant inuupakan ko talaga. pati tea rin! grabeng caffeine overload talaga ito! >.
Comment by Administrator — September 1, 2005 @ 2:10 am
Sa wakas na kapag-OL ulit. I’m hooked sa Encantadia, pero kagabi lang ulit ako nakapanood ng buong ep. Uu nga, ano ng role ni Mark Herras sa kalakaran sa Encatadia? @_@
Wawa naman si Muyak. Forever hidden na lang siya. Hindi ba siya nabobored o meron siyang ibang taong pinagpapakitaan?
BTW, I think I know that asshole… ewan ko kung pano ko kaagad naisip kung sino… XP
Comment by Aaron — September 1, 2005 @ 9:38 am
anlakas ng radar mo ha. hehehe. i hate to say this pero may mga angles na kamukha nya si bobby andrews. kaya gusto ko ngang mamatay na yung character nya eh. *evil laugh*
Comment by Administrator — September 2, 2005 @ 1:16 am
Bruuuuuuu!!!!!!! O_______O *poke*
*poke* O_o Hindi na ako nakakasubaybay sa Encantadia. Hmmm…ganun na pala ang takbo ng storya nun =___= Hay sakit nga talaga yan ng pinoy telenovelas or whatever you may call them X_X Argh, speaking of spin-offs at kung anu pang palabas ang meron, ugh, narinig mo na ba yung Pinoy Big Brother bru? =_=;;;
Comment by Yvie — September 6, 2005 @ 10:18 pm