Quiescence

August 25, 2005

mahirap ba talaga o bopol lang ako?

Filed under: Kaloka

Nawiwili talaga ako dito sa Wordpress. Hindi nakakaburat mag-post, di gaya sa blogger. Yun nga lang, pahirapan sa pag-customize. Yun ngang mga links ko hindi ko ma-alphabetize! Diba dapat automatic na ina-alphabetize na yan ng system? Bakit ganun? Tapos nag-post ako ng comment, antagal pang lumabas! Ano ba yaaaan…sakit na naman ng ulo para sa aking kakarampot na pag-iisip.

Gusto ko nang matapos ang next week. Loka talaga ako…hindi pa nga dumarating ang next week, gusto ko na matapos. Pano ba naman may report ako next Friday tapos the day after that, presentation na ng case study namin sa class! T_T Pinagsunod talaga yung reporting tsaka yang case study na yan. Ayoko naaaa! Iniisip ko pa lang yung mga interviews na kailangan pang i-transcribe, naloloka nako! Gusto ko naman talag syang gawin kaso nakaka-tamad talaga mag-transcribe ng mga mahahabang interviews.

Pakshet kasi yang Encantadia…distraction! Kahit nakaka-inis ang mga inconsistencies sa storya, bakit ko pa rin ito pinapanood?

musika: Ajikan - 12
pakiramdam: inaantok

5 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://quiescence.blogsome.com/2005/08/25/mahirap-ba-talaga-o-bopol-lang-ako/trackback/

  1. ayoko na yang encantadia, naiinis ako.

    e-mail mo nga sa akin login mo dito at aayusin ko itong wordpress mo.

    Comment by Jen — August 25, 2005 @ 10:04 am

  2. kaya pina-panood ang encantadia dahil maganda sya. it may not be at par with holywood’s movies but it’s the best so far that the national TV has produced. and why would you say the story is inconsistent?

    Comment by tagkoment — August 26, 2005 @ 1:16 am

  3. @tagkoment: it would take an entry to explain kung bakit may inconsistencies sa storya ng encantadia. but i still keep watching kahit nakakainis. blame it on my fascination for folklore.

    Comment by Administrator — August 26, 2005 @ 2:04 am

  4. nanonood ka pala ng encantadia? XD wahahaha…eh sugo? XD sabi ng mga kakilala ko unang naiisip nila sa sugo ay Shaman King XDDDD

    Comment by JC — August 27, 2005 @ 3:40 am

  5. @jc: oo nanonood ako, pero hindi yung sugo. trip ko kasi talaga yung mga fairies tsaka folklore. pero kainis kasi minsan tatanga-tanga yung mga characters. XD

    Comment by Administrator — August 27, 2005 @ 12:19 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>























Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here