nakakapanibago
Nakakapanibago talaga sa bahay after spending almost a week in Cebu. Pagdating ko, parang hindi ako sanay sa itsura ng bahay—parang mas lalong makintab ang sahig at mas malinis ang paligid. Parang nahirapan akong mag-adjust uli sa maraming tao sa bahay after the time na kaming dalawa lang ng ate ko sa bahay nya. Pansin ko rin na mas lalong nagiging irritable ako sa ngakngak ng nanay ko, lalo na’t nung andun ako sa Cebu, wala akong masyadong kausap pag pumapasok sa trabaho si bru. Pati yung ayos ng channels sa cable nabuburat ako…it’s like I have to re-learn memorizing the channels in our cable dahil iba rin yung ayos ng channels sa cable ni bru. Tapos pati yung amoy ng mga damit kong nilabhan ko sa Cebu compared sa nilabhan ko dito…ibang-iba! It’s like I’ve crossed one planet to another.
Ang weird pa dito nung nasa Cebu ako, hindi ko man lang masyadong na-miss yung mga kasama ko sa Manila. Although wala akong masyadong ginawa dun kundi maglaba, magluto, manood ng TV, matulog at kumain, parang mas nami-miss ko pa ang Cebu at ang lahat ng mga ka-wirdohan ng mga Bisaya.
Nung nasa airport terminal pa nga eh naiiyak ako. Hindi pa ako tumu-tungtong ng eroplano eh naluluha na ako. Ang weird ko talaga! Corny na kung corny pero nalungkot talaga ako nun nung iwan ko na naman yung ate ko mag-isa doon. Parang mas attached pa ako sa kanya kesa sa mga magulang ko. Kung hindi lang ako nag-aaral, magta-trabaho na rin ako sa Cebu para samahan sya.
Dahil taong bahay lang din ako dun, wala akong matitinong pictures ng Cebu. Pano ba naman kasi ang bruha kong kapatid, di man lang ako inikot sa mga tourist spots dun. Ni Magellan’s Cross hindi ko nasinagan! Anlalayo kasi ng mga lugar dun…tapos OA sa trapik! Yun lang ang hindi nakaka-miss sa Cebu—ang bwiset na trapik at ang 48 lightyears na layo ng sibilisasyon.
musika: Fly to the Sky - The Promise
pakiramdam: bangag
