Quiescence

August 27, 2005

kape + encantadia = bangag

Filed under: Rebyus

Pansin ko lang lately na parang parati ako nagke-crave ng kape. At hindi lang yung basta-bastang kape ha. Ang trip ko pa yung brewed pa talaga…kung pu-pwede pa nga yung Figaro, Dunkin Donuts o yung Starbucks brewed coffee. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Kung marunong lang akong gamitin yung coffee maker sa bahay, hindi na ako mangangarap pang bumili ng mamahaling kape.

Grabe, minsan natatakot na rin ako sa fixation ko sa kape. Kasi naman minsan feeling ko nagpa-palpitate nako. Yung tipong parang may nakadagan na mabigat na bato sa dibdib mo. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga matanggal ang bisyong ito.

———————

Anyway, kainis na naman ang Encantadia. Nako-kornihan na ako sa role ni Jennylyn Mercado (Lira). Pag pinapanood ko yung “pakikipaglaban” chenelyn nya, natatawa na lang ako. Napaka-awkward talaga. Tapos natalo pa nya si Kahlil. Eh obvious naman na mas magaling umarte sa fight scenes yung fafa Kahlil na yun. Speaking of which, ako lang ba ang nakakapansin na Kahlil = Karylle?

Dahil na rin sa may nag-comment kung bakit daw sa tingin ko inconsistent/bano ang story line ng Encantadia, eto ang mga dahilan:

1. Sa tingin ko extra lang talaga yung mga scenes sa mundo ng mga tao para hindi mamatay yung character ni Mark Herras. Speaking of which, napaka-sagwa ng pag-arte ni Mark…parang napaka-bland ng expressions nya. Pag umaarte sya na galit, parang neutral pa rin ang face nya. Nakakatawa! Ewan ko ba kung pano naging survivor ito ng Starstruck.

2. Ginagawang filler yung character ni Cindy Kurleto (Cassiopeia) para sa mga bagay na hindi na-explain ng story dahil na rin sa pagkaka-organize ng sequence. Kumbaga, si Cassiopeia na ang bahalang pumuno sa mga gaps nito.

3. Hindi ko alam kung paano naging “bihasa” sa espada si Lira eh kung titignan maigi, parang hindi pa sya gaanong naturuan ng nanay nya. Gaya na rin ng sinabi ko, napaka-awkward ang pag-arte nya ng mga fight scenes.

4. Nakakatawa yung bigla na lang pinulot ni Ashti Danaya yung “gayak pandigma” ni Lira. Bwahahahaha! Parang lumitaw na lang sa lupa yung armor na ginamit ni Lira.

5. Nung sa episode na “napatay” ni Hagorn si Lira at nung nasa “limbo” sya para kalabanin yung dragon, napaka-superficial naman kung bigla na lang nya matatalo ang isang higanteng dragon just by singing! Anak ng pateng…ganun lang ba kadali yun? Eh di dapat kinantahan na lang pala nila Frodo at Sam si Sauron para nalaglag na lang yung mata nun sa tore nito. XD

6. Dahil binuhay uli si Hitano, ayan…naisantabi na naman sya. Para saan pang binuhay nila ang isang character kung isasantabi lang nila ito? What’s the purpose?

7. Nasaan na ngayon si Muyak? Na-stuck na lang ba sya forever sa mundo ng mga tao? Parang bigla na lang naglaho ang character nya.

Tama rin pala ang hinala ko na tatay ni Pirena si Hagorn. Ewan ko kung napansin nyo yan last episode. Inis din ako sa character ni Asval kasi he reminds me of some asshole sa cosplay community. Mwehehehehe.

musika: Hironobu Kageyama - Ai no Sorujaa
pakiramdam: lunod sa kape

August 25, 2005

mahirap ba talaga o bopol lang ako?

Filed under: Kaloka

Nawiwili talaga ako dito sa Wordpress. Hindi nakakaburat mag-post, di gaya sa blogger. Yun nga lang, pahirapan sa pag-customize. Yun ngang mga links ko hindi ko ma-alphabetize! Diba dapat automatic na ina-alphabetize na yan ng system? Bakit ganun? Tapos nag-post ako ng comment, antagal pang lumabas! Ano ba yaaaan…sakit na naman ng ulo para sa aking kakarampot na pag-iisip.

Gusto ko nang matapos ang next week. Loka talaga ako…hindi pa nga dumarating ang next week, gusto ko na matapos. Pano ba naman may report ako next Friday tapos the day after that, presentation na ng case study namin sa class! T_T Pinagsunod talaga yung reporting tsaka yang case study na yan. Ayoko naaaa! Iniisip ko pa lang yung mga interviews na kailangan pang i-transcribe, naloloka nako! Gusto ko naman talag syang gawin kaso nakaka-tamad talaga mag-transcribe ng mga mahahabang interviews.

Pakshet kasi yang Encantadia…distraction! Kahit nakaka-inis ang mga inconsistencies sa storya, bakit ko pa rin ito pinapanood?

musika: Ajikan - 12
pakiramdam: inaantok

August 23, 2005

nakakapanibago

Filed under: Atin-atin Lang

Nakakapanibago talaga sa bahay after spending almost a week in Cebu. Pagdating ko, parang hindi ako sanay sa itsura ng bahay—parang mas lalong makintab ang sahig at mas malinis ang paligid. Parang nahirapan akong mag-adjust uli sa maraming tao sa bahay after the time na kaming dalawa lang ng ate ko sa bahay nya. Pansin ko rin na mas lalong nagiging irritable ako sa ngakngak ng nanay ko, lalo na’t nung andun ako sa Cebu, wala akong masyadong kausap pag pumapasok sa trabaho si bru. Pati yung ayos ng channels sa cable nabuburat ako…it’s like I have to re-learn memorizing the channels in our cable dahil iba rin yung ayos ng channels sa cable ni bru. Tapos pati yung amoy ng mga damit kong nilabhan ko sa Cebu compared sa nilabhan ko dito…ibang-iba! It’s like I’ve crossed one planet to another.

Ang weird pa dito nung nasa Cebu ako, hindi ko man lang masyadong na-miss yung mga kasama ko sa Manila. Although wala akong masyadong ginawa dun kundi maglaba, magluto, manood ng TV, matulog at kumain, parang mas nami-miss ko pa ang Cebu at ang lahat ng mga ka-wirdohan ng mga Bisaya.

Nung nasa airport terminal pa nga eh naiiyak ako. Hindi pa ako tumu-tungtong ng eroplano eh naluluha na ako. Ang weird ko talaga! Corny na kung corny pero nalungkot talaga ako nun nung iwan ko na naman yung ate ko mag-isa doon. Parang mas attached pa ako sa kanya kesa sa mga magulang ko. Kung hindi lang ako nag-aaral, magta-trabaho na rin ako sa Cebu para samahan sya.

Dahil taong bahay lang din ako dun, wala akong matitinong pictures ng Cebu. Pano ba naman kasi ang bruha kong kapatid, di man lang ako inikot sa mga tourist spots dun. Ni Magellan’s Cross hindi ko nasinagan! Anlalayo kasi ng mga lugar dun…tapos OA sa trapik! Yun lang ang hindi nakaka-miss sa Cebu—ang bwiset na trapik at ang 48 lightyears na layo ng sibilisasyon.

musika: Fly to the Sky - The Promise
pakiramdam: bangag

August 19, 2005

tinatamad pa ako

Filed under: Uncategorized

musika: wala
pakiramdam: sabog

I’ve decided to give up on blogger. Di baleng hindi ko ma-customize ang layout dito sa wordpress, pero hindi ako papayag na basta na lang mamatay ang blog ko. Sa ngayon, pag-iisipan ko muna kung ano ang gagawin ko sa aking Syokla site. Syempre, hindi ko naman isasara yun dahil na rin sa kasama ito sa Pakusheto crispy-licious sites. Nakaka-imbyerna lang talaga ang blogger para pagtyagaan ko pa ng matagal.

Ay kagagaling ko lang ng Cebu. Tsaka na ako magku-kwento at pagod pa ako sa byahe. Halos isang linggo din akong walang contact sa sibilisasyon (aka Internet) kaya di ko mapigilang mag-online pagdating ko. Hay nakakaloka ang mga chismax ko ever! Tsaka na pag naka-beauty rest na ang lola nyo. Mwehehehe.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome | Theme designs available here